Betty Habang nasa biyahe wala ni isa sa amin ang nagsasalita. At kanina pa din ako hila ng hila sa suot kong skirt na ito. Pag kasi gumagalaw ako ay umaangat siya at hindi ako kumportable. At alam kong napapansin din ni Hunter ang ginagawa ko base sa pagigting ng panga nito at paghigpit ng kapit sa manibela. Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone na nasa aking bag. Kinuha ko iyon at pagbukas ko sa aking phone, pangalan ni Jinie ang bumungad. 'Beh, hindi na ako makakapunta sa mansiyon. Mamayang gabi na lang tayo magkita sa party. Text mo ko kaagad kapag nakauwi ka na' JINIE Kumunot ang noo ko pagkabasa sa mensahe nito. "Why? Sino yung nagtext?"tanong ni Hunter, napansin siguro nito ang biglang pananahimik ko. "Ahmm, si Jinie lang sinabi na hindi na sila makakapunta sa mansiyon at ma

