"Ate, may ipinadalang pera si Mama. Saan mo gustong makipagkita?" After ng intramuros date namin, mas naging busy kami ni Aldwin. A week is like a living hell. Dahil sa sobrang stress, nakalimutan ko na 'yung pera na ipinapabigay ni Mama kay Ate. Ngayon ko lang ulit naalala. [Sa Flaming Wings na lang sa Katipunan.] Ate Maxine answered. "Okay. Otw na." I ended the call. Wala na akong klase kaya pumunta ako sa Katipunan. Pumara ako ng dyip papuntang Katipunan. Pahirapan pa nga sa pagsakay dahil rush hours. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako nasasanay tumira sa Manila kahit na limang araw na akong nandito. Naninibago pa rin ako kung paano tumira ang mga tao sa lugar na ito. Matataas ang building dito sa Manila. Mabibilang mo ang mga puno sa kalsada. Marami ring pampublikong sasakyan k

