"Di naman ako mawawala sa'yo..." Tumahan na rin si Aldwin at mukhang tanggap na nya ang kapalaran nya. Hindi na sya nag-eemote. Pachill-chill na lang sya. Katatapos lang ng mga roleplays at recitation namin sa iba't ibang subjects. Mamaya pala ay may irereport pa kami sa Science. Nakakastress naman! Hindi na natapos ang mga gawain! Napagpasyahan naming lahat na kumain sa karinderya malapit sa campus. Kasama namin ang kaibigan ni Aldwin at kaibigan ko. Naging magtotropa na rin kaming lahat. "Libre na kita." sabi ko kay Aldwin. Makikipagtalo pa sana sya pero tumayo na ako para umorder. Dalawang kanin ang inorder ko at anim na barbeque. Umorder na rin sina Ren at Angel. Kanya-kanya kaming bili. Naghati-hati lang kami sa 1.5 na coke para mas makatipid kami. Dito kami nakapwesto sa mal

