"Anak, pinapayagan kitang magnobyo pero dapat ay alam mo ang limitasyon mo." Nandirito pa rin si Papa sa kwarto ko. Pinag-uusapan namin ang tungkol sa problema ko tapos ngayon ay naiba na ang usapan. Pinapaalalahan na nya ako na 'wag maging mapusok. Maaga kasing nabuntis si Mama kaya hindi sya nakagraduate ng kolehiyo. Flight attendant ang kursong kinuha nya pero dahil nadale sya ni Papa ay hindi na nya naituloy ang pangarap nya. Mas pinagtuunan na lang nya kami ng pansin. "Naghalikan na ba kayo ng iyong nobyo?" nanliit ang mga mata ni Papa, inaalam ang totoo. Nag-iwas ako ng tingin hindi dahil kinakabahan ako kung hindi dahil alam ko ang totoo. Sadyang naghalikan na kami ni Aldwin pero sa noo lang naman iyon at madalas ay sa pisngi. Hindi pa kami naghahalikan sa labi. "Sige 'nak. 'Wa

