Was he jealous?

3795 Words
[Oy! Anong oras na?! Nilalamon na ng dilim ang liwanag pero wala ka pa rin dito sa bahay! Umuwi ka na raw!] Halos mabingi na ako sa lakas ng boses ni Ate sa kabilang linya. Nailayo ko tuloy ang aking cellphone sa'king tainga! Shuta! Napaka-bungangera talaga ni Ate! [Oy Ashley! Nandyan ka pa ba?! Bakit hindi mo ako sinasagot?!] "Paano ako makakapagsalita kung kinakareer mo ang panenermon sa'kin?" I rolled my eyes as if my sister can see it. [Psh!] pagtataray nya sa kabilang linya. Sandaling natahimik ang kabilang linya kaya napatingin tuloy ako kay Aldwin. Nagtatanong na ang kanyang mga mata tungkol sa kung sino ang kausap ko sa kabilang linya. "Si Ate." I mouthed to him. Nabalik ulit ang atensyon ko sa'king cellphone nang marinig ko ang boses ni Ate. [Tinatanong ni Mama kung sino raw ang kasama mo ngayon.] "Ah... si ano... si..." lumunok ako ng ilang beses habang nag-iisip ng sasabihin sa kanya. Hindi ko pwedeng sabihin na lalaki ang kasama ko. Mag-iisip agad ng masama si Mama kapag sinabi ko iyon. Hays! Paano ko ba malulusutan ito? [Oy! Ashley! Tinatanong kita! Sino ang kasama mo ngayon?!] mas lumakas ang boses ni Ate kaya't kahit hindi naka loud speaker ay nabingi ako. Magsasalita na sana ako pero kinuha ni Aldwin ang aking cellphone kaya nagitla ako. Niloud speaker nya ang tawag kaya kumunot ang aking noo. "Anong ginagawa mo?" I asked but he did not bother to answer me. How ignorant of him! "Good evening po. Sa mga oras po na ito ay kasama ko po ang kapatid nyo. Wala po kayong dapat ipag-alala dahil nasa mabuting kamay po sya." Aldwin's voice was very moderate and somehow, it was calm. [Okay daw sabi ni Mama. By the way, sino 'to?] Inagaw ko na agad ang aking cellphone bago pa man sagutin ni Aldwin ang tanong ni Ate. "Bye na." sabi ko bago ko pinatay ang tawag. Inayos ko na ang aking mga gamit. Nilagay ko ang aking mga kwaderno sa loob ng aking bag. Tumingin ako sa'king relos upang malaman kung ano ang oras ngayon. Kumamot ako sa'king ulo nang mapagtanto na mag aalas sais na. Binalingan ko ng tingin si Aldwin na ngayon ay pinapanood ang bawat kilos na aking ginagawa. "Paano ba 'yan? Uwian na." pabirong sabi ko. Napawi ang ngiti sa'king labi nang kumuha sya ng hoodie sa kanyang closet. Sinuot nya ito bago sya tumingin sa'kin. "Hatid na kita. Tara na." hinila nya ako kaya't binawi ko ang aking kamay sa kanya. "Magpahinga ka na lang. Kaya kong umuwi mag-isa." "Tara na. Huwag ka ng magmatigas pa dahil kakaltukan na talaga kita." seryoso ang kanyang tono. Napapabuntong-hininga akong nagpatianod sa hila nya. Kahit kailan ay napakatigas ng ulo nya. Baka sya ang kaltukan ko dyan e. Naabutan namin ang kanyang Kuya Aldous na kumakain ng dinner sa dining area. Inanyayahan nya kami sa hapag pero tumanggi ako sa kanyang imbitasyon. Nagdahilan na lamang ako na hinahanap na ako sa amin upang hindi na magtanong ang Kuya nya. "Ikaw 'tol? Saan ang punta mo?" baling ni Aldous sa kapatid. "Wag ka ng magtanong Kuya dahil nagmamadali kami." Nagtaas ng isang kilay ang kanyang Kuya. Kinabahan tuloy ako dahil mukhang pinag-iisipan nya kami ng masama. Tinitigan nya kami na para bang inaalam ang gagawin namin ni Aldwin. "Pota. Huwag mo nga kaming titigan Kuya. Wala kaming ginawa, ginagawa at gagawing magsama. Tigilan mo rin ang pag-iisip na may balak akong itanan sya." sumulyap sa'kin si Aldwin. Nag-iwas tuloy ako ng tingin sa kanya. Nag-init ang aking pisngi nang sabihin nya ang salitang 'tanan.' Kinikilig ako sa 'twing binabanggit nya ang salitang iyon. Kung sana lang ay magkakatotoo iyon pero imposible dahil hindi nya ako gusto. "Ihahatid ko si Ashley sa kanila. Delikado na ang panahon ngayon. Marami ng masasamang-loob ang nagkalat sa paligid kaya ihahatid ko si Ashley sa kanila upang masiguro na ligtas sya." Muli na namang nag-init ang pisngi ko. Nakakatuwang pakinggan dahil iniisip nya ang aking kapakanan kahit na hindi kami magka mag-anak. Nakakatuwang isipin na ihahatid nya ako sa'ming bahay upang masiguro ang aking kaligtasan. "Bakit mo naman sya tinatrato ng espesyal? Boyfriend ka ba nya upang seguruhin ang kanyang kaligtasan?" Nasaktan ako sa tanong ng Kuya nya kaya't nawala ang kilig na nararamdaman ko kanina. Masakit masampal ng katotohanan na hindi ko sya nobyo at hindi sya sa'kin. Nakakalungkot isipin dahil pinapaasa nya lamang ako. Nabalik ako sa reyalidad nang hawakan ni Aldwin ang kamay ko. Nanlamig tuloy ako at naestatwa na parang isang rebulto. Bakit naman kasi sya nambibigla?! "Kuya, hindi ko kailangan na maging nobyo nya upang tratuhin sya ng espesyal." makahulugang sabi ni Aldwin sa kanyang Kuya. Tumingin syang muli sa'kin na animo'y sa'kin nya sinasabi ang mga salitang iyon. "Babalik din ako agad Kuya." sabi ni Aldwin sa kapatid. "Oy! 'Tol! Kagagaling mo lang sa lagnat kanina! Huwag kang maggaga-gala at baka mabinat ka!" pinairal ni Aldous ang pagiging Kuya nya. Bigla ko tuloy naalala si Ate. May ugali rin sya ng katulad ng Kuya ni Aldwin. Naisip ko tuloy na baka Kuya ni Aldwin ang nakatadhana para kay Ate pero syempre, joke lang iyon. "Lagot ka talaga sa'kin kapag lumabas ka ng pintuang iyan! I'm warning you!" nananakot ang tinig ng Kuya ni Aldwin. Nagmistulang hangin ang tinig ni Aldous para kay Aldwin. Gayunpaman, nagtuloy-tuloy pa rin sa paglalakad si Aldwin na parang walang narinig. Hila-hila pa nga nya ako na para bang pinapakita na hindi sya natatakot sa kapatid. Umatras lamang sya pabalik nang bumulaga sa'min ang isang babae na sa tingin ko'y ang edad ay bente singko hanggang trenta. Nakasuot sya ng uniporme pang-guro at may bitbit syang malaking supot ng jollibee. Dumapo ang tingin nya sa'kin kaya't nag-iwas ako ng tingin. Nakakatakot pa naman ang paraan ng pagtitig nya sa'kin. Akala naman nya'y magnanakaw ako o akyat-bahay gang! Doon sya nagkakamali dahil sa makatuwid ay inalagaan ko pa ang kanyang kapatid. Dapat pa nga syang magpasalamat sa'kin, hindi iyung hinuhusgahan nya agad ako gamit ang mga mata. Naalis lamang ang kanyang mga mata sa'kin nang dumating si Aldous. "Ate, si Aldwin oh! Maggagala pa eh gabi na! Pagbawalan mo ngang lumabas!" sumbong ni Aldous sa kapatid. Napabuntong-hininga si Aldwin marahil dahil sa pagsusumbong ng kanyang kapatid. "Hayaan mo sya. Malaki na sya." walang pakialam na sagot ng babaeng nakasuot ng teacher uniform. Binelatan ni Aldwin ang kapatid upang mas lalo itong asarin. Sumimangot naman si Aldous at saka sya lumapit sa direksyon namin. Kinuha nya ang supot ng jollibee at nagsimula na syang maghain. Umupo ang kanyang Ate upang hubarin ang kanyang sapatos. Inilagay nya ito sa shoe rack bago nya ibinaling ang tingin sa'kin. Sa'kin na naman!!! "May I know who you are? Are you perhaps a thief or member of akyat bahay gang?" Nainsulto ako sa tinanong ng Ate ni Aldwin. Bahagyang umigting ang aking panga pero pinilit ko pa rin ang aking sarili na ngumiti. Kahit papaano ay dapat ko syang irespeto kahit pa iniinsulto nya ako. "Hindi po. Kaklase po ako nitong si Aldwin. Nagsuka po kasi sya kanina sa school kaya po sinamahan ko sya sa pag-uwi. Masama po kasi lasa nya e. Infact, nilagnat po sya kanina." kalmadong sabi ko. Wala akong dahilan para matensed kaya malumanay lamang ang aking tinig. Napuno ng pag-aalala ang mga mata ng babaeng nasa'king harapan. Agad nyang inilapat ang kanyang palad sa noo ni Aldwin. Hinipo nya rin ang leeg ni Aldwin upang tiyakin kung may lagnat pa ito. "Ate, ito ang pinupunto ko! May lagnat sya pero lalabas pa rin sya ngayong dis oras ng gabi! Pagbawalan mo nga Ate. Di ako pinakakikinggan ng kupal na iyan e." sabat ni Aldous. Hindi sya pinansin ng kanilang nakatatandang kapatid dahil busy pa rin sya kay Aldwin. Nagiging oa na sya pero valid naman ang kanyang reaksyon. Nag-aalala lamang sya kay Aldwin bilang sya ang tumatayong ina sa kanilang pamilya. "Ate, tumigil ka nga. Ayos na ako. Wala na akong lagnat." naiirita na si Aldwin dahil paulit-ulit lamang na dinadampi ng kanyang Ate ang palad nito sa kanyang noo. Parang tanga lang talaga ang peg. "Aldwin, bumalik ka na sa kwarto mo!" maawtoridad na ang tinig ng kanyang Ate. "Ihahatid ko pa sya sa kanila Ate." "Ihahatid? Ngayong dis-oras ng gabi? Mabibinat ka niyan. Magpahinga ka na lamang at huwag ka ng gumala ng gumala pa." Ngumuso si Aldwin upang magpacute. Akala nya siguro gagana iyon. Well, tingnan natin kung tatalab ang pacute moves nya. "Oo na! Oo na! Ihahatid mo sya hanggang sa makasakay lang sya! Tapos!" final na ang decision ng Ate nya kaya walang nagawa si Aldwin tungkol sa bagay na iyon. Hawak ang aking kamay ay magkasama naming tinungo ang daan palabas ng kanilang bahay. Mabagal kaming naglalakad sa ilalim ng buwan at mga bituin. May mga dumadaang dyip ngunit hindi ako pinapara ni Aldwin. Iniisip ko tuloy na baka gusto nya akong makasama ng matagal kaya sinasadya nyang maglakad ng mabagal. Tahimik lang sya at mukhang malalim ang iniisip. Gusto ko sana syang tanungin kung may problema ba pero bigla kong naisip na wala ako sa posisyon upang gawin iyon. Hindi naman kami magkaibigan. Hindi ko rin naman sya boyfriend kaya wala talaga akong karapatan upang manghimasok sa personal nyang buhay. Titiisin ko na lang na tahimik sya dahil hawak ko naman ang kanyang kamay. Sapat na iyon para sa'kin. "Ashley," malumanay na tawag nya. "Hm?" "May syota ka na?" "Wala pa." chill na sagot ko. "Bakit wala pa?" nakakunot ang kanyang noo. "Kasi wala ka pa sa'kin." biro ko pero sa totoo lang ay seryoso ako sa'king sinabi. Tumawa sya kahit wala namang bagay na nakakatawa. Minsan talaga, ang laki ng pahed nya. "Ikaw? May syota ka na?" tanong ko para naman mahotseat ko rin sya. Sumeryoso na sya sa'kin. He took a quick glance to me and he smile eventually. "Bakit wala ka pang syota? Gwapo ka naman at boyfriend material ka rin." I commented. I don't know what did I said to make him smile so widely. Mapupunit na ang kanyang labi sa kangingiti. Siguro, natuwa sya sa compliment ko na sya'y gwapo. If that was the case then I must be happy because my words had an effect to him. "Wala pang nakakaabot ng standards ko e." he answered. My lips formed an 'o' after hearing what he said. I understand that he was handsome but I never thought that his standards would be that high. Kung ganoon ay mahihirapan pala talaga ako na pilitin syang icrushback ako. Mukhang hindi gagana ang charms ko o ang aking art of seduction. "Ano pala mga standards mo?" I asked because of curiosity. "Hmm..." he slightly looked up to think of the appropriate words to said to me. Magsasalita na sana sya ngunit biglang tumunog ang cellphone ko. Naiinis kong kinuha iyon sa'king bulsa. Napabuntong hininga ako nang makita na si Ate ang caller. Taena! Saktong-sakto talaga 'yung pasok nya sa eksena! Istorbo sya sa moment naming dalawa ni Aldwin. "Ano?!" pagalit na tanong ko. Pinagsisihan ko tuloy na sumigaw ako dahil biglang bumitaw si Aldwin mula sa pagkakahawak sa'kin. Akala nya siguro ay galit ako sa kanya. [Nasa'n ka na? Aba'y mag-aalas syete na.] "Pauwi na ako. Sige, bye na." basta ko na lang pinatay ang tawag. Narinig ko pa ang mura ni Ate sa kabilang linya pero hindi ko na iyon pinansin pa. Binaling ko ulit ang tingin kay Aldwin, umaasang hahawakan nya ulit ang aking kamay pero malabo ng mangyari iyon. Abala na sya sa pagpara ng dyip para sa'kin. "Ah, nasa'n na nga ulit tayo?" I asked about the thing that we're talking earlier. He did not bother to answer me because he was so busy to looked for a jeepney. Napairap ako dahil hindi nya ako pinapansin. Napaka-snobber talaga! Napangiti sya habang tinitingnan ang dyip sa di kalayuan. May mga oras na kumukunot ang noo nya dahil hindi nya masyadong makita ang sign board. Maya-maya pa'y tumingin na sya sa'kin nang tuluyang makumpirma na iyon na ang dyip na sasakyan ko. "Salamat sa pag-aalaga sa'kin." sinserong aniya. "Hayaan mo't ganoon din ang aking gagawin kapag..." pinutol nya ang sasabihin. Nag-iwas sya ng tingin sa'kin kaya't nagsalubong ang aking kilay. "Kapag?" "Ikaw ay napasa'kin." mahinang bulong nya kaya't hindi ko ito masyadong marinig. Dumagdag pa ang malakas na busina ng dyip na kararating lamang. Hindi ko tuloy narinig ang sinabi ni Aldwin. Letse. Puro wrong timing talaga!!! Nagpatuloy sa pagbusina ang tsuper ng dyip upang magtawag ng iba pang mga pasahero. "Ano nga ulit 'yung sinabi mo kanina?" naguguluhang tanong ko. "Ah, wala. Huwag mong intindihin iyon. Ang mabuti pa ay sumakay ka na ng dyip dahil hinahanap ka na sa inyo." hinawakan nya ang aking kamay at hinila na ako patungo sa kinaroroonan ng dyip. "Update mo ko kapag nakauwi ka na sa inyo. Good night at salamat ulit." tanging pagngiti lamang ang kanyang ginawa. Kumirot tuloy ang aking puso sa pag-aakala na yayakapin nya ako o hahalikan sa noo. Bumigat tuloy ang aking pakiramdam at ako lamang ang nasaktan sa aking naisip. "Chat tayo mamaya kung libre ka." pahabol na sabi nya. Matamlay akong tumango sa kanya. Nasasaktan ako sa 'twing iniisip na tinatrato nya ako ng espesyal upang ako'y paasahin lamang. Nakatulala lamang ako sa sampung minuto ng pagsakay sa dyip. Muntik na nga akong lumampas sa address ng aming bahay. Mabuti na lamang at nakapara agad ako bago pa man ako makarating sa kung saan-saan. Pagkarating sa bahay ay bumungad sa'kin ang tahimik na kapaligiran. Nakahinga ako ng maluwag dahil tulog na sina Mama, Papa at si Ate. Hindi ko na kailangang maranasan na sermunan ngayong dis-oras ng gabi. Dumeretso ako sa'king kwarto upang magpalit ng pantulog na damit. Pagkatapos noon ay humiga agad ako sa'king kama upang ipahinga ang aking katawan. Tutulog na sana ako nang bigla kong naalala ang sinabi ni Aldwin. "Kailangan ko pa ba talaga syang i-update kung nakauwi na ako sa'ming bahay?" tanong ko habang nakatitig sa'king cellphone na nakapatong sa may side table. Matagal kong inisip ang gagawin kong desisyon. Bandang dulo ay napagdesisyunan ko na hindi sya ichat ngunit nagbago din ang aking isip nang tumunog ang aking cellphone. Napangiti ako at literal na nagbago ang mood ko nang makita ang chat ni Aldwin. Nakalimutan ko palang patayin ang data kanina kaya tutunog ang aking cellphone kapag may nagmessage. From: Crush❤ Nasa bahay ka na? Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa sa pagtitipa ng mensahe para sa kanya. To: Crush❤ Oo. Btw, kaya mo ng pumasok bukas? Ako na ang nahihiya sa pinagtatanong ko. Potek. Gagawin ko talaga lahat para humaba ang convo namin. From: Crush❤ oo haha Sarkastiko akong ngumanga sa hangin dahil napaka-ikli ng kanyang reply. I mean, pwede naman syang sumagot ng oo tapos tanungin nya rin ako para naman hindi ako nahihirapan sa pagpapahaba ng aming convo. Tuloy ay kinailangan kong mag-isip ng topic na maaari naming pag-usapan. To: Crush❤ Tutulog ka na? Wala pang isang segundo ay nakatanggap na agad ako ng message galing sa kanya. From: Crush❤ oo haha Hindi ko na nakontrol ang emosyon na nararamdaman ko. Agad-agad akong nagreply sa kanya dahil puro 'oo haha' ang sagot nya sa'kin. From: Crush❤ Tangina! Unggoy ka ba? Puro, oo haha ang sagot mo. Matulog ka na nga lang. Nafa-frustrate ako sa'yo. GOODNIGHT! Bangungutin ka sana! Padabog kong pinatay ang data ng aking cellphone. Ipinatong ko na iyon sa side table ng aking kama. Nagtalukbong na lang ako ng aking kumot at nagsimula ng matulog. Kibukasan, pagkarating ko sa school ay si Aldwin agad ang bumungad sa'kin. Tanghali na ako nagising kaya tanghali na rin ako nakarating sa school. "Galit ka ba sa'kin kagabi?" tanong nya nang makarating ako sa corridor ng aming classroom. "Hindi." I answered boredly. Nakakawalang-ganang pag-usapan ang nangyari kagabi. Pakiramdam ko kasi'y nagiging desperada na ako para lang makuha ang atensyon nya. "Galit ka e." pilit nya sabay turo sa hindi maipinta kong mukha. "Hayaan mo, next time hahabaan ko na ang reply." he said to me with a hundred percent assurance. Nawala ang inis na kinikimkim ko buong magdamag. Napangiti ako ngunit napawi rin iyon nang bigla akong akbayan ni Jake mula sa kung saan. "Ako na magdadala nyan. Baka mangalas mga buto mo e." pang-aasar nya at saka inagaw sa'kin ang bag at dalawang libro ko. Sinamaan ko sya ng tingin pero ang hinayupak, mas lalo pang tumawa. Inakbayan nya ako ngunit natigil kami nang magsalita si Aldwin. Kinuha nya ang mga gamit ko mula sa kamay ni Jake. "Ako na Jake." kalmado ngunit maangas na sabi ni Aldwin. "Luh? Ako nauna e. Epal mo naman dude." nagbibirong sabi ni Jake at saka kinuha pabalik ang bag ko kay Aldwin. Nagpalipat-lipat ang tingin ko kina Aldwin at Jake. Hindi talaga ako makapaniwala sa behavior na pinapakita nila sa'kin. Napaka-immature talaga. "CALAYAG! LIMANG PISO SA CLASS FUND!" sigaw ni Cyro sa'kin kahit pa kaharap ko na sya. Class treasurer namin sya kaya't responsibility nya na maningil para sa'ming class fund. "CALAYAG!!!!" "Tangina! Eto na! Jusmiyo! Kararating ko pa lamang pero binubungangaan mo na agad ako." nai-stress na sabi ko. Kinapa ko ang aking wallet sa bulsa ng aking palda. Kinuha ko ang isang daang piso dahil wala akong barya. "Wala gang barya? Barya naman dyan oh! Wala akong panukli." "Taena! Nagbayad na't lahat pero ang ligalig mo pa rin." "Barya kasi ang ibayad mo sa'kin." pamimilit nya pa. Puta! Saan naman nya ako paghahanapin ng barya?! Kahit kailan, nakaka-stressed talaga itong class treasurer namin! Kumamot ako sa'king ulo habang nangangapa ng barya sa bulsa ng aking bag. Puta! Wala akong barya. Taena! Kasalanan ko bang puro buo ang baon ko at hindi barya? Aish, sumasakit ang aking ulo dahil sa pagbabayad ng class fund na iyan. Mas lalo pang sumakit ang aking ulo habang pinapanood sina Jake at Aldwin na nakikipagtalo para lamang ilibre ako ng limang piso. "Cyro, eto bayad ni Ashley. Ako nag sponsor niyan." nagyabang pa talaga si Jake. Pucha! Nakaka-stress ang araw na ito. Hinawi ni Aldwin ang limang piso ni Jake upang magpumilit na ililibre nya ako. Sa halip na kiligin ay sumasakit lamang ang aking ulo. Bakit ba sila nagtatalo kung sino ang manlilibre sa'kin ng limang piso? "Aldwin, ako ang nauna. Bakit ka ba gaya-gaya? Si Cyro na lang ang ilibre mo." pakikipagtalo ni Jake. "Hindi ako gaya-gaya. Sadyang epalog ka lang talaga." napipikon na si Aldwin. Pumagitna na ako sa kanilang dalawa bago pa man sila mag-away. Kinuha ko ang aking libro sa kanilang dalawa. Inilipat ko ang aking mga mata kay Cyro. "Ibayad mo muna ako ng limang piso. Mamaya kita babayaran kapag nagkabarya na ako." "Ano? Bakit ako nadadamay riyan?" pagrereklamo nya habang nagsusulat ng kung ano-ano sa isang kwaderno. "Jusko! Hindi ka maghihirap kapag ibinayad mo ako ng limang piso at saka utang ko naman 'to sa'yo." ngumiti ako upang segurihin na hindi ko sya tatakasan. Akala naman nya'y hindi ko sya babayaran. Kalaunan ay pumayag na rin sya kaya pumasok na ako sa loob ng aming silid aralan. Wala masyadong ganap ngayon maliban sa mga pagsusulit at proyekto na pinapagawa sa'min ng ibang mga subject teachers. Pagkatapos ng huli kong klase ay dumeretso na agad ako sa bahay. Hindi na ako nag-abalang magcellphone dahil pagod na pagod ako. Pagkahiga na pagkahiga ko sa aking kama ay knock-out na agad ako. Dahil sa maaga akong natulog ay maaga rin akong nagising. Ngayong araw na ito ay mas maaga akong pumasok kaysa kahapon. Kasalukuyan akong nakatayo sa corridor ng aming classroom. Nakasandal ang mga kamay ko sa railings habang naghihintay ng mga estudyante na darating. Natanawan ko kaagad si Jake di kalayuan malapit sa'ming building. Nakasuot sya ng ripped jeans at wash-day shirt. Wednesday ngayon kaya't pwede kaming magsuot ng freestyle. Syempre, required pa ring magsuot ng I.D. Ingat na ingat na naglalakad si Jake upang hindi madumihan ang kanyang sapatos. Maputik pa naman ang ilan sa mga daanan dahil noong isang araw ay umulan. Pinagmasdan ko ang sunod na mangyayari. Maya-maya pa'y napatawa na ako nang makita ko na may umapak sa pinakainiingat-ingatang sapatos ni Jake. May nakasalubong syang babae na mukhang nagmamadali kaya't hindi nya sinasadyang madumihan ang sapatos nito. Plastik na ngumiti si Jake na para bang wala lamang sa kanya ang nangyari. Tumawa ako ng malakas nang makita ang nalugi nyang ekspresyon. Tumingala sya saglit kaya't dumapo ang tingin nya sa'kin. Mas lalo tuloy akong natawa dahil ilang beses syang bumuntong hininga. Inalis ko na rin ang aking tingin sa kanya. Nagsimula na syang maglakad patungo sa'ming building. Napagdesisyunan ko na hintayin ang kanyang pagdating upang sya'y asarin. "Ang aga-aga pero minalas kaagad ako. Pucha, tingnan mo ang nangyari. Ang dumi na ng shoes ko." sumbong nya sa'kin as if ako ang ina nya. "Tara sa guidance. Magsusumbong tayo sa principal." sinakyan ko na lamang sya. "Gago, huwag. Haha. Pero seryoso, pucha, sira na kinabusakan ko." madramang sabi nya. "Huwag ka ngang oa. Teka, intayin mo ko dyan..." Pansamantala ko muna syang iniwan sa corridor. Pumasok ako sa classroom upang kumuha ng wipes. Lumabas na rin ako upang magpunta sa may hagdanan. Nakaupo na roon si Jake, malalim ang kanyang iniisip. Lumingon sya sa'kin nang tawagin ko ang pangalan nya. Umusog sya ng kaunti upang bigyan ako ng space. Umupo na rin ako at nag-umpisang punasan ang kanyang white shoes. I was very passionate while wiping the dirt in his shoes. Determinado talaga ako na linisin ang sapatos nya dahil kawawa naman sya. Bothered na bothered talaga sya. Magkalapit ang mukha namin ni Jake pero wala namang kaso sa'kin 'yon. Boy bestfriend ko sya kaya para sa'kin ay walang malisya kung magkalapit ang mukha namin sa isa't isa. Isa pa ay abala naman sya sa pagpupunas ng kaliwang sapatos nya kaya't imposible na tinititigan nya ako. Nagpatuloy ako sa aking ginagawa. I did not distracted by the students walking upstairs. Nawala lamang ako sa aking focus nang bigla kong marinig ang isang pamilyar na boses. "Tabe!" maangas na sabi nya. Umusog tuloy ako ng kaunti kahit na malaki na 'yung space na inilaan ko para sa mga students. "Huwag kayong pahara-hara sa'king daraanan lalo na't kung kayong dalawa ay maglalandian lamang." may kung anong emosyon ang nakatago sa kanyang boses. Jealousy? Hmm... posible kaya na nagseselos sya sa'ming dalawa ni Jake? ➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡ ツ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD