AGAD akong lumingon kay Carlos na nakatitig na pala nang masama sa akin ngayon. Ang sama ng tingin niya sa akin at mukhang kakainin na niya ako nang buhay. "C-Carlos?" Tahimik... Hindi siya sumagot habang nakatitig pa rin ito nang masama sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Naalala ko kung ano ang mga maling ginawa ko kagabi. Totoo bang inaway ko siya kagabi? Bakit ko ginawa 'yun?! Hinayaan ko ang sarili kong malasing at umuwi nang hatinggabi tapos gano'n pa ang ginawa ko sa kaniya?! "Argghh!" ang sigaw ko sa sarili ko. Napatingin ako sa sarili ko at biglang nanlaki ang aking mata dahil sa aking nadatnan at napahawak pa ako sa bunganga ko. Wala pala akong suot na damit at pang-ibaba. Tanging bra lang at panty ang suot ko. Nagtabon ako ng sarili at mabilis akong tumayo palabas ng

