LUMIPAS ang mga araw ay dumating na oras ng final exam namin. Ilang araw na lang ay wala na kaming pasok at magsa-summer vacation na. Abala ako sa pag-aayos ng mga notebooks at libro ko para pumasok na sa university. "Huy, ano pa ang ginagawa mo diyan? Male-late na tayo, bilisan mo na!" ang sita ko kay Carlos habang mukhang boss pa ito kung makaupo sa sofa. Pagod din kasi siya kagabi dahil tutok na tutok pa ito sa mga libro at laptop niya. Kapwa kami may kaniya-kaniyang mundo kagabi para makapag-aral. "Tara na, male-late na tayo!" ang patuloy ko pa sabay hila sa kaniya. Nagpatulog-tulog pa ito pero wala na rin siyang nagawa kundi ang bumangon. Pagdating ng university ay agad na naming tinungo ang kaniya-kaniya naming schedule. Dumiretso na ako sa unang classroom na papasukan ko samanta

