CHAPTER 01

2060 Words
PAGKASARADO ko pa lang ng pinto ng bahay namin ay doon ko na hindi napigilang mapaiyak. Aalis na kasi ako patungong Manila para ipagpatuloy ang pag-aaral sa unang taon ko sa kolehiyo. Iiwan ko na tuloy si nanay na mag-isa rito sa bahay. Mamaya pa kasi makakarating ang kapatid niya upang may mag-alaga sa kaniya habang wala ako sa kaniyang tabi. Dala ang aking bagahe ay tinungo ko ang terminal ng bus. Hindi naman problema ang pamasahe patungo roon dahil nagpadala ng pera ang amo ni nanay na si Ma’am Eden upang ipamasahe ko papunta sa kanila. Mabait daw talaga ‘yon. Sigurado naman akong mabait talaga si Ma’am Eden lalong-lalo na ‘yong asawa niya dahil sila nga raw ang magpapa-aral sa akin samantalang ang gagawin ko lang ay tutulong sa mga kasambahay sa paggawa ng mga gawaing-bahay. Ewan ko lang doon sa anak nilang si Carlos. Hindi ko naman kasi talaga siya nakilala nang lubusan. Ang alam ko lang ay gwapo ito at hubog ang kaniyang katawan. “Mani kayo riyan! Mani kayo! Balot! Balot, Miss? Gusto mo? Bumili ka na, please!” ang sigaw sa akin ng isang tindero sa may terminal ng bus. “Wala po akong pera manong.” Nilampasan ko lang siya at saka nagpatuloy sa paglalakad. Gutom na gutom na ako pero sayang naman itong pera ko kung hindi ako magtitipid. Halos ilang oras ako sa paghinintay bago nakarating ng Manila. Dito ko napagtanto na mas masaya pala talaga sa probinsya namin dahil mas mapayapa ang simoy ng hangin doon. Kaibahan dito na mainit at maingay na nga, ma-traffic pa. Nag-book ako ng sasakyan sa cellphone ko para hindi ako madaya ng ibang taxi drivers. Iyan ang unang-unang advice na sinabi sa akin ni nanay kanina—na huwag daw akong sasakay ng taxi. Marami raw kasi sa kanila ang mga manyak at mataas kung maghingi ng bayad sa metro. Kahit sa TV ay marami rin akong nakikita sa mga balita tungkol sa kanila. Ilang minuto ang nakalipas ay dumating na rin ang sasakyan na na-book ko. Binuksan ako ng driver ng pintuan at saka isinilid ang mga bag at maleta ko sa likod ng kaniyang kotse. “Pasensiya na, Miss.” Pinaandar na niya ang makina ng kaniyang kotse. “Napaghintay pa kita nang matagal. Medyo malayo kasi ‘yong bahay ng huling pasahero ko kaya medyo natagalan,” ang panghihingi niya ng dispensa. Napatingin ako sa rear-view mirror ng kaniyang sasakyan dahilan para magtama ang mata naming dalawa. In fairness, may kagwapuhan siya at mukhang mayaman. “Bago lang po ako rito sa Manila kaya okay lang.” Ngumiti lang ako. Napangiti rin siya. “Para sa akin, hindi dapat pinaghihintay nang matagal ang mga magagandang katulad mo, Miss.” Bolero. “Teka, ano ba ang pangalan mo?” ang kinalauna’y tanong niya sa akin. “Kelcy po, Kelcy Dela Cruz.” Tumango siya. “Ikaw, ano po ang pangalan niyo?” ang tanong ko rin sa kaniya. “Harvey na lang, Miss. Twenty one na ako at maaga akong nakabuntis kaya heto ako ngayon,” ang sagot niya at bahagyang bumuga ng isang pilit na ngiti ang kaniyang mga labi. “Okay lang iyan, huwag ka ng malungkot. Ako nga rin, eh. Kaya ako nandito para magtrabaho bilang katulong para lang makapag-college ako,” ang sagot ko naman sa kaniya. Natawa siya. “Sa ganda mong iyan, Miss? Magiging katulong ka?” ang hindi makapaniwalang tanong niya. Bakit, may problema ba doon? Tumaas ang isa kong kilay sa sinabi niya. Pero iniba ko na ang usapan. “Kelcy na lang po. Huwag mo na 'kong tawaging Miss kasi hindi ako sanay,” ang mungkahi ko. “Sige na nga, Kelcy na.” Natawa na lang siya. Ako naman ay napabuntong hininga na lang at tumingin sa kawalan. “Marami ang masasamang tao rito sa Manila. Kailangan ay hindi ka nagsusuot ng mga maiikling palda dahil maraming mga manyak dito. Tapos hindi ka rin dapat gumamit ng cellphone kapag nasa isang pampublikong lugar ka dahil marami ring mga snatcher dito. At, hindi ka rin dapat nagpapauto sa mga taxi driver na mataas magpabayad ng metro. Kailangan mong maging matapang dahil kung hindi ay madali ka nilang maloko,” ang sagot niya. Ngumiti ako at nagpasalamat sa kaniya. Kahit pala gano’n ay may kabutihan din itong si Kuya Harvey. “Walang ano man, basta ikaw,” ang sabi niya sabay kindat sa akin. Tahimik… Lumipas ang ilang minuto ay narating na rin namin ang mansion na sinasabi ni nanay. Napatitig ako sa isang malaking bahay sa aking harapan. Namangha ako dahil sobrang lawak pala talaga ng mansion nila. Sa labas palang ng gate ay napapalibutan na agad ito ng mga CCTV cameras at may mga malalaking pader na nakapalibot. Sabi ni nanay ay sila raw iyong may ari ng pinakasikat at pinakamalaking mall dito sa bansa, ganoon na rin sa iba pang mga branches nito sa ibang bansa na isa ring high grossing pagdating sa market. Kaya siguro ganito na lang kalaki ang mansion nila. May kaba kong sinundot ang doorbell na nasa aking harapan. Wala pang ilang minuto ay may lumabas ditong isang security at saka nilapitan ako. “Ano ang kailangan mo, Miss?” tanong niya sa akin. “A-ako po si Kelcy.” Natameme ako at hindi ko alam ang sasabihin ko. “A-ako po ‘yong ni Mrs. Zyrene Dela Cruz. Iyon pong dati pong katulong dito,” ang pagpapatuloy ko. “Ikaw pala ang anak ni Manang Zy. Halika, kanina ka pa hinihintay ni Ma’am Eden,” ang sagot niya sabay pasok ng gate kaya agad ko siyang sinundan. Pero habang pumapasok pa lang ako sa loob ng kanilang gate ay hindi ko nakitang may bato palang harang sa nilalakaran ko. Sa kapagkadaka ay bigla na lang akong nadapa at nawalan ng balanse. Lahat ng mga dala ko ay natumba at tumapon sa may sahig. Napatuwad ako. Ang dalawang kamay at tuhod ko ay nakadikit sa may sahig. “Ouch!” Mabilis akong lumingon sa paligid ko kung may nakakita ba sa akin. Nakita ko si Manong Guard na nakatingin sa akin habang nagpipigil ng tawa nito. Mabilis naman akong tumayo at kinuha ang mga bagahe kong natapon dahil sa matinding kahihiyan. Napapikit ako na parang gusto ko munang sumigaw at magpakain sa lupa. Unang araw pa lang ng punta ko rito ay nadapa na kaagad ako. Napatingin ulit ako sa may palibot at nakita ko ang isang CCTV camera na nakatutok mismo sa kung saan ako nadapa. Nanlaki ang mata ko at napahawak ng aking bunganga dahil sa matinding pagkabigla. "Kelcyyy!" ang sigaw ko sa sarili ko. “Ano’ng katangahan na naman ‘tong ginawa mo?!” Napahawak ako sa tuhod ko dahil may namumuo na palang sugat dito dahil sa suot kong short. Inayos ko ang sarili ko. Tumayo na ako nang tuwid upang magpatuloy ulit sa paglalakad. Sinundan ko lamang ang security sa paglalakad. Tutungo raw kami sa office ng magiging amo ko kaya’t hindi ko mapigilang kabahan. Kahit na sabihin pa ni nanay na mabait daw siya ay hindi ko pa rin talagang mapagkakaila na kabahan ako. “Pindutin mo muna 'yang doorbell d'yan hija hanggang sa sabihin ni Ma’am Eden na pwede ka ng pumasok,” ang paliwanag ng security. “Sige po, salamat,” ang sagot ko. Tumango lang siya sa akin at agad nang umalis. Naiwan akong mag-isa rito nang hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nalilito ako kung saan ba ‘yong tinuro niya sa akin kanina lang na pipindutin ko dahil maraming dapat pindutin. Binasa ko isa-isa ang mga nakalagay sa bawat button at may nabasa akong “BELL” kaya agad ko iyong pinindot. Ilang sandali ay narinig kong tumunog ang isang maliit na box na nasa harapan ko na parang isang maliit lang na speaker. “Who is it?” ang narinig kong sabi. “Wow, high tech!” ang bulong ko sa sarili ko. “A-Ah, Ma’am. Ako po si Kelcy, anak po ako ni Mrs. Zyrene Dela Cruz. Iyong dati pong katulong dito,” ang nauutal na na sambit ko. Wala na akong narinig pa na sagot. Ilang minuto na ang lumipas ngunit wala pa rin talaga. “Sino iyan?” ang tanong ulit ng nasa loob. “A-Ah, Ma’am. Ako po si Kelcy, anak po ako ni Mrs. Zyrene Dela Cruz. Iyong dati pong katulong dito,” ang sagot ko ulit. Ngunit ilang minuto ang nakalipas ay wala na naman akong sagot na nakuha mula rito kaya nagtaka na ako. Binasa ko ulit isa-isa ang mga buttons at may nabasa akong “VOICE IN”. Pinindot ko iyon at inulit ang mga sinabi ko. “A-Ah, Ma’am. Ako po si Kelcy, anak po ako ni Mrs. Zyrene Dela Cruz. Iyong dati pong katulong dito,” ang sabi ko. “Pumasok ka sa loob, hija,” ang sagot ulit ng nasa speaker. Dito ay bigla na lang bumukas ang pintuan na nasa aking harapan nang hindi ko ito binubuksan. “Maupo ka, hija. Kanina pa kita hinihintay dahil gusto kong kumustahin ang kalagayan ni Manang Zy. How’s her condition?” ang bungad sa akin ng isang magandang babaeng mukhang hindi pa rin tumatanda. “O-Okay naman po si nanay. Medyo mabuti na ang kalagayan niya dahil sa gamot na nireseta sa kaniya ng doktor,” ang sagot ko. “Mabuti naman kung gano'n. Maupo ka na lang muna riyan at magpapapunta lang ako ng katulong dito para dalhin ka na sa magiging kwarto mo, okay?” ang nakangiting sabi niya. Napatanga lang ako at panay tango ako sa mga sinasabi ni Ma’am Eden. “Salamat po,” ang sagot ko. Ngumiti lang ulit siya. Tahimik.. Ilang minuto ang lumipas ay may narinig akong nagsalita galing sa isang speaker na hindi ko alam kung saan ito nanggaling. May pinindot si Ma’am Eden sa kaniyang computer at ilang sandali pa ay bumukas ang pintuan ng kaniyang opisina. “Manang Minda, pakisamahan nga pala itong si Kelcy sa magiging kwarto niya para makapag-ayos na rin siya ng mga gamit niya. Salamat,” ang utos niya. "Sige po." Agad na lumapit sa akin ang matandang katulong. Tinulungan niya akong buhatin ng mga dala ko. "Tara na, hija. Kumusta ang nanay mo? Okay na ba siya? Lahat kami rito ay alalang-alala sa kaniya," ang tanong niya. "Okay naman po si nanay ngayon. Nandoon po iyong kapatid niya para alagaan siya sa bahay namin," ang sagot ko. "Salamat naman sa Diyos kung gano'n," ang saad niya. "Sandali pala, hija. May nakalimutan akong sabihin sa 'yo." Napalingon kami ni Manang Minda kay Ma'am Eden. "Bukas pala ng umaga ay maaga kang gumising dahil sasamahan ka ng anak kong mag-enroll sa APIU." ang pahayag niya habang nakangiti. “P-Po? Sa APIU? Sa Alfonso Prime International University?” ang hindi makapaniwalang tanong ko kay Ma’am Eden. “Oo, diyan ka na mag-aaral kaya dapat gumising ka nang maaga bukas dahil ayaw ng anak kong si Carlos ang maghintay nang matagal. Mainitin pa naman ang ulo ng batang iyon,” ang kuwento niya. “S-Sige po,” ang nauutal na sagot ko na may halong excitement at kaba. Hindi ako makapaniwala na makakapasok ako sa isa sa pinakasikat na university hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa. Ngumiti ako nang palihim dahil sa sobrang saya at excitement. Ilang saglit ay naglaho ang ngiti sa labi ko dahil naalala kong masungit pala talaga si Sir Carlos. Kahit ang mommy ay napapansin din ang kasungitan niya. Napagmasdan ko na ang mukha ni Sir Carlos dati dahil naipakita na sa akin ni nanay ang mga pictures niya sa tuwing umuuwi siya sa bahay namin. Natakot ako nang maalala kung gaano siya kasungit tignan sa mga picture niya. Maputi ang katawan niya at makinis. May katangkaran at halatang mayaman talaga. Para nga siyang isang artista dahil sa kakinisan ng buong katawan niya. At ang hinding-hindi ko makakalimutan sa lahat ay ang picture na dinala rin ni nanay sa akin noon ay habang nakahubad ito. Tanging trunks lang ang kaniyang suot habang pinapaliguan niya ang kaniyang kotse. Nakita ko ang anim na hugis pandesal na nakaukit sa matikas nitong tiyan. Gayunpaman, hindi ko hahayaang sa unang araw pa lang ng trabaho ko bukas ay magkakamali na kaagad ako. Maaga akong gigising.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD