"HIJA, bakit ba hindi mo kasama iyang si Carlos? Saan ba nagputa ang batang iyon?" ang tanong ni Ma'am Eden habang sila ay kumakain.
Medyo kinabahan naman ako dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. "Sumama lang po siya sa mga kaibigan niya. May project daw silang gagawin," ang pagsisinungaling ko.
"Naku, kailan pa iyan natutong gumawa ng project? Naging good boy ata siya ngayon?" ang sagot ni Ma'am Eden at napailing.
"Ah, hehehe." Ngumisi na lang ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko.
"Kung kailan ba na mawawala tayo ng mga iilang linggo ngayon pa siya nagsipag para gumawa ng mga projects? Eh, hindi ko naman iyon nakitang gumagawa kahit isang beses. At saka palagi lang niya inaasa sa pinsan niyang matalino. Mabuti na nga lang at kaibigan namin ang may-ari ng eskwelahan. Dahil kung hindi, ewan ko na lang kung ano na ang nangyari sa anak natin," ang naman sagot naman ng kaniyang ama na si Sir James.
"Kasama po kasi niya ang mga kaibigan niya kaya nakisali na rin po siya sa paggawa. At saka meron silang ka-grupong matalino," ang paliwanag ko.
Namutla ako dahil baka hindi ko na masagot pa ang mga susunod na tanong pa nila sa akin. Baka mabuking pa nila akong nagsisinungaling ako.
"Pabayaan mo na lang ang batang 'yon. Mabuti nga iyan at makapag-umpisa na rin siyang maging good boy. Kaysa naman noong dati na puro kabalastugan na lang ang alam niyang gawin. Kung hindi lang siguro dumating si Kelcy dito eh hindi pa iyan tumino," ang sabat naman ni Ma'am Eden.
"Oh, siya. Kelcy, baka mga ilang linggo pa kami bago makakabalik dahil maraming appointment ang ChaeSang Entertainment para sa mga dayuhang nag-i-inquire sa kanila katulad natin. Baka mahuli kami to take them sa business meeting. Bantayan mo iyang anak namin dahil hindi pa rin talaga ako kumbinsido na tumino na 'yang utak niya," paalala ni Sir James.
"O-Opo, sir."
Pagkatapos nilang kumain ay ako na ang naglipit ng kanilang mga pinagkainan at ako na rin ang naghugas nito.
Tinulungan naman ako ni Jenny para punasan ang mga plato at mga basong hinugasan ko.
Siya ang aking kaibigan at kakulitan na isa ring katiwala rito sa mansion. Twenty seven na siya at maaga siyang nabuntis.
Mag-isa niyang itinataguyod ang kaniyang anak dahil hindi siya pinagutan ng ama ng bata. Nagtatrabaho siya bilang kasambahay para matutustusan niya ang pangangailangan ng anak niya.
"Ayiee! hehehe," ang bigla niyang tili habang nagpupunas kami ng mga baso.
Mahina ko siyang siniko. "Hoy, ano bang tinitili mo r'yan?"
"Aray!" ang impit na sigaw niya. "Huwag ka ngang manira ng trip diyan! Malapit na sana 'e. Hahalikan na sana ako ni Sir Carlos. Nawala tuloy 'yong imagination ko. Bwesit ka!" ang pagmamaktol niya at saka kinutusan ako.
"'Yan, d'yan ka kasi magaling, eh. Puro na lang kabastusan iyang nasa isip mo. At kay Sir Carlos pa talaga?" ang sambit ko at saka tinulak ito ng mahina sa inuupuan niya pero nalakasan ko ata.
Ganito lang talaga kami mag-asaran ni Jenny. Nagiging bayolente kami sa isa't isa na uuwi rin naman sa tawanan.
"Aray!" ang pabulong niyang sigaw at saka napanguso. "Ang bad bad mo naman! Hindi naman kabastusan ang tawag doon. Dahil ang tawag doon ay love, PAG-IBIG!" medyo diininan niya ang kaniyang pagkasalita sa huli.
"Ang sabihin mo ay sadyang malandi ka lang. Noong isang araw nga ay ang pinaka-astig at pinaka-gwapong artista na si Lucas naman ang pinagnasaan mo. Tapos ngayon ay si Sir Carlos na naman?" ang sagot ko.
Napangisi siya at napatili. "Eh, totoo namang napanginipan ko siyang hinahalikan niya ako habang hinuhubaran ko naman siya. 'Yon nga lang, dahil sa kalagitnaan ay bigla na lang akong nagising," ang paliwanag niya sabay napakamot ng kaniyang ulo.
"Siguro, kaya ka iniwan ng ex mo dahil ambastos ng utak mo," ang sagot ko.
"Hoy hindi 'no! Hindi kaya ako malandi. At iyong ex ko? Ni-rape ako no'n dahil pangit naman daw ako, walang mawawala sa akin. Hanggang sa nalasing ako kaya doon na niya nakuha ang timing para gawin 'yon sa akin. Pinosasan niya ako mula kamay hanggang paa at doon na niya nakuha ang nais niya. Kinabukasan ay nagising ako at sabi niya ay iiwan na raw niya ako dahil hindi naman daw ako masarap. Ang babaw ng dahilan niya 'no? Pero ganon talaga ang nangyari sa amin," ang seryoso niyang sagot sa akin.
Bigla kaming natahimik na dalawa. "Oh ngayon, sino ang malandi? Siya diba?" ang pagmamataas niya sabay duro sa akin.
Napakamot na lang ako ng ulo ko at nagtawanan kaming dalawa.
"Bahala ka na nga diyan," ang sambit ko at iniwan itong mag-isa.
Kinabukasan...
Nagluto ako ng almusal. Ni-request ni Ma'am Eden na ang kanilang paboritong ulam ang ihahanda ko kaya iyon ang niluto ko para sa kanila.
Habang naghahanda ako ng mga plato sa dining table ay siya rin ang pagbaba ni Ma'am Eden mula sa kaniyang silid.
"Good morning po, Ma'am. Ready na po ang mga pagkain niyo," ang magiliw kong bati sa kaniya.
Ginantihan din niya ako ng ngiti habang bumababa ito sa may hagdanan. "Good morning."
"Honey!" ang tawag niya kay Sir James.
"Bababa na!" ang sagot naman ni Sir James at saka bumaba na rin ng kanilang kwarto.
"Good morning po." Iginiya ko rin siya sa isang upuan at agad naman siyang umupo rito.
"Salamat," ang sagot ni Sir James.
Ang suot ng mga ito ay normal lang. Kaswal at katulad lang sa tuwing pumapasok sila papuntang trabaho. Nakapormal ang mga ito na tila papasok sa isang mahalagang meeting. Kaibahan naman sa lalaking naglalakad pababa ng hagdanan ngayon.
"Oh, Carlos, gising ka na pala. Halika na rito. Sabayan mo na kaming kumain," ang usad ni Ma'am Eden kay Carlos.
Napakagulo ng buhok niya at ang kaniyang suot na damit naman na mula pa kahapon ay gusot na gusot na tila mukha itong pulubi. Ang kaibahan nga lang ay walang bahid ang kaniyang damit.
"Saan ka ba galing, bakit ganyan ang suot mo? Para kang pulubi," ang tanong ni Ma'am Eden sa kaniya.
Napakamot naman si Carlos ng kaniyang ulo at saka nilagyan ng kanin ang kaniyang plato. "Lumabas lang at nagpakasaya," sagot niya at sumubo ng kanin at ulam.
Nanlaki ang mata ko dahil iba 'yong sinabi kong dahilan kagabi sa kanila. Napatungo na lang ako at napakagat ng aking labi.
"At bakit sinabi sa amin ni Kelcy na gumawa ka lang daw ng project mo? Anong kasinungalingan na naman ito Carlos?" ang hindi kumbinsidong tanong ni Ma'am Eden sa kaniya.
Natigilan si Carlos. Nagkibit balikat siya at napatingin sa akin. Matagal siya bago nakapagsalita. "Ah, eh." Natawa ito na parang sinasabi niyang mali ang magulang niya pero ang totoo naman talaga ay nag-iisip lang siya ng pwede niyang sabihin.
"Pagkatapos ko kasing gumawa ng project kagabi ay lumabas naman ako para magpakasaya," sagot niya dahilan para mas lalo akong napayuko at napangiwi.
"At ikaw lang mag-isa? Kailan ka pa natutong magpunta sa kahit saan-saan nang mag-isa at walang kasama? Kung ano-ano na 'yang mga pinagkakagawa mo Carlos. Hinahayaan ka lang namin sa mga ginagawa mo dahil kilala ka na namin at ang kakayahan mo. Dapat alam mo rin ang limitasyon mo minsan. Tandaan mo 'yan dahil hindi ka na talaga namin susuportahan sa susunod kapag pinahiya mo kami sa mga tao," ang paninermon sa kaniya ni Sir James.
"Alam ko naman 'yon, tsk."
"Totoo palang mag-isa ka lang kagabi, at lasing ka pa? Ayusin mo ang buhay mo Carlos. At isa pa, bakit ang sabi naman sa amin ni Kelcy ay kasama mo raw ang mga kaibigan mo? At may isa pa raw kayong matalinong kaklase na kasama?" ang pag-uusisa ni Ma'am Eden dahilan para mamutla ako.
Napalingon sa akin si Carlos kaya mabilis kong itinuon ang aking tingin sa ibang direksiyon na kunwari ay wala akong nakita.
"Sa susunod kasi, huwag mo kaming lokohin pa rito kasi malalaman at malalaman din namin 'yan sa huli. Dinadamay mo pa itong si Kelcy sa mga pagsisinungaling mo, eh," ang patuloy ni Ma'am Eden dahilan para makahinga ako ng maluwag.
"Nag-back out kasi sila," ang nauutal na sagot ni Carlos.
"Hay, naku. Ikaw Carlos, ha? Malaman ko lang na marami kang ibang ginagawang mali, matitikman mo na talaga dahil ikukulong na kita rito sa mansion. Kailangan bahay at eskwela na lang kaya ayusin mo," ang pagbabanta sa kaniya ni Sir James.
"Okay, I would never make you fool. Alam ko naman ang ginagawa ko. Exaggerated lang kayo masyado," ang sagot niya.
Napailing na lang si Sir James at saka nagpatuloy ang pagkain.
"By the way, masarap itong niluto mo, hija. Tamang-tama lang ang alat niya at malalasahan mo pa rin talaga ang laman kahit nasa loob na," ang baling naman ni Ma'am Eden sa akin.
Ngumiti naman ako. "Salamat p–"
Sasagot na sana ako nang biglang sumabad si Carlos sa akin.
"Paano naging masarap 'to? Ang alat-alat nga ng sabaw at wala ring lasa sa loob," ang biglang sabat ni Carlos.
"Hindi naman pala masarap pero bakit parang mabubulunan?" sa isip-isip ko.
Ngumiti na lang ako at hindi na sinagot pa siya.
Napalingon sa akin si Carlos. "Hoy, tumahimik ka diyan dahil naririnig ko pa rin ang mga sinasabi mo!" ang sabi habang punong-puno ng pagkain ang bunganga niya.
"Mabilis lang akong kumain dahil hindi ako kumain kagabi at huwag kang umasa na masarap 'tong niluto mo dahil ang alat ng sabaw! Kung hindi lang ako gutom 'e kanina ko pa tinapon 'tong niluto mo," ang sambit niya.
"Wala naman po akong sinabing ganyan, Sir," ang pagtatanggol ko.
"Aba at sumasagot ka pa, ah?! Sa susunod, don't you ever answer and talk to me kapag hindi kita tinatanong. Alipin ka lang at katulong lang kita dito," ang sumbat niya sa akin.
May kaunting kirot na naman tila tumusok sa dibdib ko na hindi ko maintindihan. Yumuko na lang ako at hindi na umimik pa.
"Carlos! Hindi ka namin pinalaki ng mommy mo nang ganyan! Anong klase ang pagpapalaki namin sa 'yo at bakit ka nagkakaganyan?! Hindi alipin si Kelcy dito kaya huwag mong sabihin sa kaniya 'yan!" ang galit na bulyaw ni Sir James sa kaniya.
Ngunit balewala lang ito para sa kaniya. Ni hindi niya ito tinapunan ng tingin. "Doon ka na nga!" ang pagtataboy niya sa akin.
Napanguso na lang ako habang lumalabas ng mansion. Dumiretso ako sa aking kwarto para magbihis na at saka dumiretso sa labas para kunin ang aking bisikleta.
Binili ko ito noong mga nakaraang buwan lang pagkatapos ng una kong sweldo. Kapag kasi tinataboy at inaaway ako palagi ni Carlos ay ito ang palaging ginagamit ko papunta ng campus.
Kapag hindi naman ay sa kotse naman niya ako sumasakay. Mas mabuti na rin habang nagbibisekleta ako para maka-iwas ako sa traffic.
Pagdating ko ng campus ay agad akong sinalubong nina Kendra at Sophia.
Nginitian ko sila. "Nakangiti ka diyan pero ang lungkot naman ng mata mo. Bakit? Pinagalitan ka na naman ba ng masungit mong boss?" ang tanong ni Sophia sa akin.
"Hindi naman ako malungkot, ah? Masaya kaya ako. Okay lang ako, ano ba kayo?" ang sagot ko sabay pakita ng pilit kong ngiti.
"Palagi na lang 'yan ang sinasabi mo. Halina nga kayo. Kumain na lang tayo," ang sagot niya sabay hila na naman sa amin ni Kendra.
Alas-diyes ng umaga nang mag-umpisa ang aming klase. Na-late ang aming professor kaya wala ng naging late na estudyante at wala rin siyang napagalitan.
"Okay, Students. Since present na ang lahat sa inyo ay nakapili na ako ng mga magiging ka-grupo niyo sa buong school year everytime na may mga group activities. Sa isang grupo ay merong tatlong miyembro," ang sabi ng aming professor.
Nagsimula na itong magsalita upang malaman ang aming mga magiging kagrupo. Hanggang sa pangalan ko na ang tinawag.
"At ang ika-pintong grupo naman ay sina Kelcy Dela Cruz... Jayson Montenegro... And Carlos Mondragon," ang anunsiyo niya.
Napasulyap ako kay Jayson na nakatitig din pala sa akin. Nginitian niya ako at saka kinawayan. Gumanti naman ako sa ginawa niya.
Samantalang napatitig naman ako kay Carlos na parang wala lang pakialam sa klase. Tulala ito habang nakatingin sa may labas ng pintuan. Nilalaro ng kamay niya ang kaniyang sign pen.
"You may now come with your members para mapag-usapan niyo kung ano ang magiging suggestions niyo para sa group project niyo ngayon," ang pagbigay sa amin ng permiso ng professor.
Lumapit sa akin si Jayson at saka umupo sa aking tabi. "Hi," ang bati niya at saka inilahad ang kamay sa akin.
Tinanggap ko naman ito at saka nagkamayan kaming dalawa. "Hello," ang bati ko rin sa kaniya.
Si Jayson ay ang anak ng may ari ng highest grossing na kompanya pagdating sa paggawa ng alak dito sa Pilipinas at may ari rin sila ng isang malaking bar.
Sobrang layo ni Jayson kay Carlos dahil kahit mayaman na ito, marunong pa rin siyang magpakumbaba at walang takot na kumausap sa katulad kong mahirap. Kahit ni isang beses ay hindi ko siya nakitang nakabusangot.
Katulad ng ibang kaibigan ni Carlos ay pinagkakaguluhan din si Jayson ng mga babae sa buong campus.
"Mukhang wala talagang pakialam iyang boss mo sa mundo, ah?" ang usad ni Jayson nang hindi pa rin tumatayo si Carlos ng kaniyang inuupuan para samahan kami.
Alam na ng lahat ng estudyante rito sa buong campus na isa akong assistant ni Carlos. Maraming nainggit, at naiinis dahil doon pero hinahayaan ko na lang sila.
Dahil mukhang wala pa ring balak na lumalapit sa amin ni Carlos ay kami na lamang mismo ang lumapit sa kaniya.
Umupo kami sa upuang nasa harapan niya subali't hindi pa rin siya umiimik man lang. Ni hindi man lang niya kami magawang dapuan ng tingin kaya wala na kaming nagawa ni Jayson kundi ang magplano para sa gagawin naming research paper na history kung paano nabuo ang mathematics.
"Ako na lang ang gagawa ng introduction tapos ikaw sa Statement–" napatigil ako sa paliwanag ko nang may tumamang notebook sa braso ni Jayson.
"Oh!" ang mahinang ungol ni Jayson nang siya ang natamaan sa braso ng notebook na itatapon sana ng babae naming kaklase na si Charie habang nag-aaway sila ng ka-grupo niyang pasaway.
Napatakip ito ng kaniyang baba dahil sa pagkabigla at mabilis itong humingi ng tawad kay Jayson.
"Okay lang ako, miss. Hindi naman masakit," ang nakangiting sagot ni Jayson sa kaniya bagama't pansin naman ang pamumula ng kaniyang braso.
Dahil sa sobra niyang kaputian ay mabilis na tumalab ang notebook na dumapo sa kaniyang braso.
"May wipes ako rito, punasan nalang natin," ang mungkahi ko at agad na kinuha ang wipes sa aking bag upang ipangpunas ito sa kaniyang braso.
Wala pang ilang sandali ako sa pagpunas ng kaniyang braso nang may biglang humigit sa aking balikat at agad hinaklit ang kamay ko palayo kay Jayson.
Si Carlos. Nakatayo na ito sa aming harapan habang seryosong nakatingin sa aming dalawa.
"I'm not giving you permission to tend him," ang mariing salita niya niya at mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa akin. Nakasalubong ang kaniyang kilay habang nakatitig sa akin.
Tahimik...
"Serve me instead. Ako lang ang nag-iisang boss mo, Kelcy," ang bossy niyang utos at pagiit ako nitong hinila patayo para paupuin ako sa kaniyang tabi.
Nasa harapan na namin ngayon si Jayson. Natawa na lang siya at napailing dahil sa naging asal ni Carlos sa kaniya.
Ako naman ay nakaramdam ng kaunting hiya kay Jayson. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil nagsimula na naman ang pagiging isip bata ni Carlos.