"K-KELCY?" Parang may isang matalim na bagay ay tumutusok sa dibdib ko habang nakikita kong hawak-hawak niya ang bewang ng babae sa tabi niya. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko habang huling-huli ko sila mismong dalawa sa kanilang ginagawa. Kaya pala parang tigagal siya kanina at hindi mapakali dahil sasama lang pala siya sa ibang babae. Sana sinabi na lang niya sa akin at hindi na siya nagsinungaling. Bigla yatang nawala ang hilo ng ulo ko. Ngumiti lang ako sa kaniya at sumama na kina Ella na maupo sa isang table. Hindi ko ito pinansin dahil baka kung ano pa ang isipin niya tungkol sa akin. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Umasa na naman ako sa bagay na alam kong imposible at hindi pwede. Kung tutuusin ay ang layo pa ng estado namin sa buhay. Lumaki siya sa isang magar

