Tamarra's POV Nagising ako na parang may mabigat na bagay na nakadantay sa mga hita ko. Napangiti ako ng makita ko na si Dastan pala iyon, at ang mga braso niya ay nakayakap sa akin. Para akong nasa cloud nine. Napakagandang panaginip na naman ito. Sana nga hindi nalang ako magising. So Dastan and I can live happily ever after. "Goodmorning!" parang nananaginip kong bati sa kakagising lang na si Dastan. Nginitian niya rin ako at niyakap ng mas mahigpit. Ang sarap sarap sa pakiramdam na nakakulong sa mga bisig nito. Matagal kong pinangarap ito. Do dreams really come true or what? "Goodmorning sweetheart!" groggy na bati niya rin sa akin ng bigla nalang siyang napatayo at sumigaw. Napasigaw rin ako ng tumayo siya ng walang kasaplot saplot sa katawan. Hinila ko agad iyong kumot at ibina

