Tamarra's POV Ilang lingo na rin akong nakalabas mula sa ospital. Okay naman na ako. Nakasling nga lang ang kaliwang balikat ko. Ilang araw pa daw bago tanggalin ang pagkakasimento sa braso ko. Laging nakabantay sa akin si Dastan. Siguro nakokonsensiya dahil siya ang dahilan kung bakit ako nasaktan. Pero kahit ganun, hindi ko pa rin maiwasang kiligin. Kahit dito sa bahay lagi niya akong pinupuntahan, bago siya pumasok sa office at paguwi. Daig ko pa ngayon ang mayroong manliligaw. Dali dali akong bumaba ng may marinig akong sasakyan na huminto sa harap ng bahay namin. "Hi Tamarra!" bati sa akin ng bagong dating. Kausap siya ni Mama. Inismiran ko lang siya. "What are you doing here?" nakalabi kong tanong at nilapitan ko na rin siya at humalik sa pisngi niya. "Masama na bang manligaw?

