Tamarra's POV
Three days na ng huli kong makita si Dastan simula ng makauwi ako dito sa Pinas. At three days na rin ang nasasayang sa akin para maakit ko siya. Nagpunta naman na ako sa bahay nila, kaya lang sabi ni Ninang Lorna weekend lang daw umuuwi roon ang anak niya.
Pinuntahan ko naman sa office niya pero ang sabi lang ng secretary nito nasa business trip daw. Pati mga kaibigan niya na sila Dennis ay pinagpupuntahan ko na rin. Iisa lang ang sagot ng mga ito sa akin. Welcome back. Oh diba? Malayo sa tanong ko.
Naghihinala na talaga ako na baka pinagtataguan niya ko. akong maalala na may ginawa na ako sa kanya. Wala pa sa ngayon.
So, I decided na kailangan ko na ang tulong ng pinakamamahal kong kuya Thunder, kaya pinuntahan ko siya ngayon sa office niya. Didiretcho na sana ako office ni Kuya ng harangin ako ng receptionist. Kaya napilitan akong huminto.
"I need to talk to Mr. Thunder Zide Lagdameo." mataray kong sabi sa receptionist.
Tiningnan niya muna ako mula ulo hanggang paa bago nagsalita
"Do you have an appointment to Mr. Lagdameo?" mataray na tanong nito. Umiling lang ako.
Aba't mamalditahan mo pa ako ha? Sa loob loob ko. Pero nagtimpi lang ako
"I need to talk to him." naiinip kong sabi.
"I'm sorry ma'am but you need-"
"Tell him I'm his mistress, at kapag hindi niya ako nilabas dito papasabugin ko itong building niya." seryoso kong sabi at pinasingkit ko pa ang mga mata ko. I'm already pissed off.
Agad namang nag dial ito sa telepono at saglit na may kinausap.
"Ma'am have a sit first and wait for Mr. Lagdameo for a second."
Maya maya lang ay eto na nga ang aking pinakagwapong kuya. Parang may kaaway ang ekspresyon ng muka.
"Ms. Geronimo where is that woman?" galit na tanong nito sa receptionist kong kausap.
Itinuro naman niya agad ako. Kinawayan ko lang si Kuya Thunder. Hindi pala siya nag iisa. Kasunod nito iyong pinsan ko. Hermes Samuel Montes.
"Hi brother!" masaya kong sabi at saka ko siya niyakap.
"You?" gulat na sabi nito pero gumanti na rin ng yakap. Nakatulala lang sa amin ang receptionist ng lingunin ko siya.
"See? He knows me." sabi ko at saka ko siya inirapan.
"Your such a brat Tamarra. Why did you do that?" seryosong tanong nito sa akin.
"You know Thunder. She always do that." Walang emosyong sabi ni Hermes sa akin.
"Oh, hi there dear cousin. How's Liza?" Nakangising tanong ko dito. I saw how he clenched his fist.
"I better go, Thunder." Sabi nito sa kapatid ko at walang paalam na umalis.
"Ay! Pikon pa rin!" Nakabungisngis na sabi ko.
"Okay, brat. Enough. Why you do that?" Seryosong tanong nito sa akin. I pouted my lips.
"Ayaw niya akong papasukin." para akong bata na nagsusumbong at saka ko pa itinuro iyong kawawang receptionist na namumutla na ngayon.
"Did you tell her that you're my sister?" umiling lang ako.
"Ms. Geronimo I want to talk to your supervisor later." seryosong sabi nito sa babae.
Tumango lang ito at saka yumuko. Bumuntong hininga muna si Kuya bago ulit nagsalita.
"Puputi ang buhok ko sayo. Akala ko kung sinong mistress."
"May kabet ka Kuya?!" sigaw ko dito saka ko siya sinakal.
"Argh! Stop it Tamarra." sayaw nito sa akin at saka binaklas ang mga kamay ko sa leeg niya.
"Let's just talk about this to my office." nauna na itong naglakad.
Pero bago ako sumunod kay Kuya ay tiningnan ko muna ulit ang malditang receptionist nito at saka ko dinilaan.
"Kuya may kabet ka nga?" tanong ko maya maya dito bago ako naupo sa couch.
"Don't be silly my little sister. Tingin mo magagawa ko iyon sa Ate Stephanie mo?" tanong niya sa akin.
"Malay ko ba. Your still a man." sabi ko.
"Your hurting my feelings Tamarra." umarte pa itong parang nasasaktan.
Sa amin lang ganito si Kuya. Sa amin nila mama at siguro pati sa asawa nito. Kahit sa mga kaibigan niya alam ko hindi nagagawa ni Kuya ang mag inarte sa mga ito.
"OA mo Kuya. Kapag nakita ka ng hipag ko baka ipatapon ka nalang non sa ilog."
"Nah. She can't do that. She's too much inlove with me." kampanteng sagot nito at itinaas pa ang dalawang paa sa table.
"Ows? Mamatay ka man?"
"Mamatay man si Dastan ngayon."
"Kuya naman, ayaw kong mabyuda agad." reklamo ko dito. Binato niya lang ako ng nilamukos na papel. Sinalo ko lang iyon.
"Stop hallucinating Tamarra."
"I'm not hallucinating. I know he will going to marry me. Maghintay ka lang Kuya." saka ko rin siya binato ng papel
"How can you say that?"
"Hindi niya pa maamin iyong feelings niya sa akin. Naghihintay lang iyon ng chance."
"Lakas ng fighting spirit mo kapatid." sabi nito.
"Kasing lakas ng dating mo." pambobola ko kay Kuya. Ngumiti lang ito sa akin, pero sumeryoso ulit.
"By the way, I'm sorry for not petching you up at the airport. Masyado kaseng moody ngayon ang Ate Steph mo, you know, naglilihi. Pati si Storm nahawa yata at kapag ayaw akong paalisin ayaw niya talaga. Nahingahan mo ba ang anak ko?" masayang tanong nito.
"Ayaw mo nun, nagmana ang anak mo sa maganda niyang Tita Tamarra. And No worries Kuya, mas gusto ko nga iyong pinapunta mo." knikilig na sabi ko, niyakap ko pa ng mahigpit ang throw pillow na nahawakan ko
"Tamarra, stop day dreaming. You're already 27. And stop watching those Korean dramas." Naiiling na sabi nito. Sinimangutan ko lang siya
"Ano naman ang kinalaman nun Kuya?"
"I just want to say my little sister that, stop being a brat. Hindi lahat ng gusto mo makukuha mo."
"Kuya, I'm not a brat!" depensa ko.
"Yes, you are!" itinuro pa ko nito.
"No, I'm not. Saka sino naman kaseng may sabi na si Dastan ang papuntahin mo sa airport?"
"Mama and Tita Lorna." tukoy nito sa dalawa.
"So isa ka rin namang kunsintidor."
Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita.
"Napasobra nga yata kami ni mama sa PAGSUPORTA sa lahat ng gusto mo." inempasize pa talaga nito ang salitang pagsuporta.
"Come on Kuya, dahil din naman sa inyo ni Mama kaya naging mabuti akong mamamayan." humagikgik pa ako.
"I just want to warn you Tamarra, kapag dating dyan sa Tan-Tan mo. Hindi kita masusuportahan. You're my sister and he is my friend. Hindi ko pa rin siya mapapatawad kapag sinaktan ka niya."
"Oh, I'm touch Kuya." maluha luha kong sabi.
"May kasalanan ka pa sa akin Tamarra. Ilang metro lang ang layo ng bahay ko sa mansion, pero ni hindi mo ako nadalaw ng dumating ka." may himig ng pagtatampo ang boses nito.
"Sorry." iyon lang ang nasabi ko at saka nag peace sign. Guilty kase ko.
"So, what is your purpose for being here brat?" pag iiba nito sa usapan.
"Ouch! You're hurting my feelings Kuya Thunder." pang gagaya ko sa kanya.
"Hindi mo ako pupuntahan dito kung wala kang kailangan. I know you." pinaningkitan pa ako nito ng mga mata.
"Masama na bang dalawin ang pinaka gwapo at pinaka mamahal kong Kuya?"
"Ako lang ang kapatid mo Tamarra. Huwag mo akong bolahin at alam kong gwapo ako."
"Alam ko naman Kuya yon. Kaya nga tayo magkapatid. Gwapo ka, maganda ako, sexy, matalino, mayaman at may magandang trabaho." mayabang kong sabi. Pero nginisihan niya lang ako.
Nilapitan ko lang siya at nag puppy eye dito. Pero umiwas lang ito ng tingin. Gotcha!
"Kuya Thunder, alam mo kung nasaan si Tan-Tan ko?" malabing kong tanong.
"No!" sabi niya ng hindi ako tinitingnan at inabala na nito ang sarili sa mga papeles na nasa table nito.
"How about his number?"
"No." sabi ulit nito.
"Or can you set him a date with me?"
"No." sabi ulit nito.
"Kuya naman. Puro ka No." pagmamaktol ko.
"I don't know where he is. Muka ba akong baby sitter?" naasar nitong sabi sa akin.
"His your friend Kuya." giit ko.
"Mahirap hanapin ang taong nagtatago Tamarra." makahulugang sabi niya.
"Bakit ako pagtataguan ng sinta ko?"
"Aba, hindi ko alam. Baka nag iisip pa sa sinasabi mong feelings niya sayo."
"Kuya naman. Tulungan mo nalang ako." nagpapadyak pa ako.
"Hindi bat iyong yung sinabi mo kanina? Inemphasize ko lang."
Natahimik ako. Nag iisip kase ko kung ano ang sasabihin ko na magpapakanta kay Kuya para malaman ko kung nasaan si Dastan.
"Isusumbong kita kay Ate Stephanie kapag hindi mo pinakita si Dastan sa akin." pagbabanta ko na dito.
Huminto ito sa ginagawa at seryosong tumingin sa akin.
"You can't do that." sabi niya sa akin.
"Wanna bet Kuya? Don't mess up with me. Don't mess up with your little sister." seryoso kong sabi.
Sorry brother pero kailangan mong ilabas si Dastan.
At saka dahan dahan kong kinuha ang cellphone ko sa bag. Akmang mag didial ako ng agawin niya yun sa akin.
"Fine! You won." sabi nito at saka nagdial sa telepono.
"Dastan, come over here at my office. Why? Just come over here it's an emergency." saka pabagsak na ibinaba ang telepono.
"Are you satisfied now?" naasar nitong sabi.
Nginitian ko lang si Kuya. Ngiting tagumpay.
"Huwag mo akong sisisihin kapag umiyak ka sa lalakeng yon."
"Bakit ako iiyak? Alam kong mahal na mahal ako ni Dastan ko."
"Talaga lang ha? At kailan pa naging sayo si Dastan?"
"Mula pagkabata akin na siya Kuya." humalik ako sa pisngi niya saka ko siya tinalikuran.
"Bye brother dear." paalam ko dito.
"Where are you going Tamarra?!" tawag niya sa akin.
"Sa lobby ko nalang hihintayin ang kapalaran ko."
I'm so excited, magkikita ulit kami ni Dastan ko. Kumakanta kanta pa ako ng sumakay ako sa elevator. Pero isang oras na ako dito sa lobby wala pa ring Dastan na dumadating. Nilapitan ko ulit ang receptionist.
"Can you kindly call my Kuya." hindi iyon pakiusap kundi isang utos. Tumango lang ito maya maya ay nagdial at ibinigay sa akin ang telepono.
"Kuya Thunder nasaan na si Dastan?" naiinis kong bungad.
"Kakatawag niya lang, hindi daw siya pwedeng pumunta dito. So go home brat." Naiinis ding sabi nito.
"Kuya, anong hindi pwede? Papuntahin mo siya dito!" utos ko sa Kuya ko.
"Looked Tamarra, may emergency raw iyong tao. Kasama yata si Divina. Basta! Huwag ka ng makulit." sabi ni Kuya.
"And whose Divina Kuya?" malakas kong tanong. Gigil na gigil ako ngayon.
"Just kindly asked him. So go home brat." Iyon lang at binabaan na ako nito ng telephono.
"Kuya!" I hissed.
Dali dali akong umalis sa building ni Kuya Thunder. Kailangan kong makausap si Dastan kung sino si Divina na tinutukoy ni Kuya. Hindi naman siguro Girlfriend nito. Hindi pwepwede!