"Tan-Tan, thank you." sabi ko ng ihatid ko siya sa labas ng bahay
"Oh, it's nothing. Don't metioned it. It's good to see you again. Welcome back my Tamarra." saka niya ulit ako niyakap. Gumanti lang ako.
Kung may makakakita siguro sa amin ngayon baka iisiping may relasyon kami. Pero para kay Dastan normal nalang sa kanya ang maging sweet sa akin. Ako lang naman ang naglalagay ng kahulugan sa lahat ng pinapakita niya sa akin.
"I have to go. I have an important meeting to attend too. So, see you again some other time?" tanong niya sa akin at nginitian pa ako.
Tumango lang ako at gumanti ng ngiti. Patalikod na sana ito ng tawagin ko siya.
"Tan-Tan, where is my kiss?" nagtatampo kong tanong at saka ako ngumuso sa kanya.
Tumawa naman siya sa sinabi ko at nilapitan niya ako. Pumikit lang ako habang hinihintay ko na lumapat ang labi niya sa labi ko. Pero wala. Naghinatay pa ako ng konti wala pa rin. Kaya nagdesisyon akong dumilak.
Nakangiti lang sa akin ang loko. Sinimangutan ko lang siya. Sa pisngi niya lang ako hinalikan.
"Bakit sa pisngi lang?" reklamo ko pa. "Dapat sa lips." saka ngumuso ulit ako sa kanya.
Tinawanan niya lang ulit ako at saka ginulo ang buhok ko na parang bata.
"You're still the same Tamarra. I really have to go, Bye Tita." saka kumaway pa siya sa akin bago sumakay ng kotche niya. Sumunod pala si Mama.
"Ma, how can you say that your already inlove with Papa?" nangangarap kong tanong sa Mama ko habang nakayakap sa gate ng bahay namin. Ngumiti siya sa akin bago sumagot.
"I don't know. I guess it's love at first sight." nangangarap nitong sabi at saka pumasok sa loob ng bahay. Sinundan ko lang siya.
Ang Mama ko talaga basta nabanggit ang ama ko parang nawawala sa sarili. Kahit ilang taon ng patay ang Papa ko, ramdam na ramdam ko pa rin ang pagmamahal niya dito. I think it's is also the reason kaya hindi na ulit nag asawa si Mama.
"Iyong feeling ng hindi ka makatulog kakaisip sa kanya. Makita mo lang siya masaya ka na, lalo na kapag nakita mo siyang nakangiti." at saka nito hinawakan ang picture frame ni Papa.
"Ano pa Ma?" pangungulit ko pa
"Ah, basta. Malalaman mo nalang yon. Ay mali si Mama. Mararamdaman pala."
"Just like me on Dastan?" tanong ko sa kanya.
Hindi naman kase kaila kay Mama na simula bata si Dastan lang talaga ang gusto ko. Saglit itong nag isip
"Maybe." saka nagkibit balikat.
"You know what baby? Love is unpredictable. And if you love someone just fight for it."
Ngumiti ako at saka tumango tango. Saka may nabuong plano sa isip ko.
———-
Kakaisip ko ay nakarating ako dito sa Sacred Bar. Isa sa mga bar na pag aari ng kaibigan ko. Si Cupid. This is our secret hide out.
"Hey man! What's up?" bati ng bagong dating na si Tadaka, isa sa pinakamakulit sa grupo at nagpupumilit maging Filipino.
Actually nakilala lang namin siya noong nagcollege kami at pinsan pa ito ni Dencio. Dennis nalang daw para suwabe.
"The Prince of Persia, Dastan ma friend!" Sigaw naman ng kararating lang din na si Dennis.
"Where is Macario?" tanong ko sa dalawa.
"Wala pa siya?" si Dennis.
"Do you think magtatanong kami sayo kung nandito na siya?" si Cupid ang may ari ng Bar.
"I think malalate lang ang isang ngayon."si Tadaka
"Nayon." pagtatama ko. Napakamot nalang ito sa ulo.
"Gome!" Sagot nito sa salitang hapon.
"Pare balita ko dumating na ang misis mong hilaw?" si Dennis tukoy nito kay Tamarra at tumabi pa talaga sa akin.
"How did you know?" tanong ko.
"Kay Thunder, right Tadaka?" nakipag apir pa ito sa huli.
"You know her?" gulat kong tanong kay Tadaka.
Hindi naman kase ito nakaattend sa kasal ni Thunder kaya alam kong hind nito kilala si Tamarra.
"I don't know her personally, just a picture of her. Men! She's gorgeous!" sambit nito. Siniko naman ito ni Dennis.
"Who's gorgeous?" curious ng kararating lang na si Mac short for Macario.
"Sorry guys." nasa likod nito si Danillo. Danny nalang daw para sossy.
"Where's Thunder? Don't tell me, hindi na naman siya makakarating?" tanong ko.
"Know your in-law, mas uunahin nun ang misis niya kaysa sa atin. Ganun siguro talaga kapag may pamilya na, right Doc?" si Dennis na binalingan pa si Danny.
"Mag asawa ka na din Dennis ng mabawasan yang kadaldalan mo. Inggit lang yan." si Danny.
"Wushu. Ako? No way! Itong si Tan-Tan ikakasal na." anunsyo nito.
"Whose Tan-Tan?" nagtatakang tanong ni Tadaka sa pinsan.
"Si Prince of Persia. Nickname yan ni Tamarra sa kanya." paliwanag ni Cupid.
Lahat kami ay napalingon dito. Iisa ang reaksyon sa muka namin. At saka siya binato ni Mac ng throw pillow.
"Dumating na kase ang muse natin na si Tam-Tam. Nakahanda na ang kasal "I do" nalang ng kaibigan natin ang kulang." seryosong sabi ni Dennis sa mga ito. Nginisihan ko lang siya
"Ulol! I do mong muka mo!" at saka ako lumapit sa dart board.
"Si Tamarra nandito na sa Pinas?" gulat na tanong ni Mac sabay siko kay Dennis.
Alam ko naman kase naming lahat na may gusto si Dennis sa kababata namin, ayaw lang umamin. Mga bata palang kase kami lagi na nitong inaasar at ginagalit si Tamarra, at alam ko naman din na may gusto sa akin ang kababata ko. I admit that I have a feelings for her, pero matagal ko nang kinalimutan yun at baka sabihin pa ni Thunder na sinasamantala ko ang pagkagusto ng kapatid niya sa akin. Kaya ngayon hanggang little sister nalang ang nararamdaman ko rito.
"Unfortunately, yes. She's already here in the Philippines." sabi ni Cupid.
"Magugulo na naman ang buhay natin nito." sagot naman ni Mac.
"Buhay lang ni Dastan. Di ba Tan-Tan malabs?" si Dennis at saka niya ako nginisihan.
"Oo nga." dagdag ni Tadaka.
"Once and for all Dennis, can you shut up your mouth? You're a troublesome." sabi ko.
"Speaking of the witch. Nasabi mo na rin ba kay Tamarra na magpapakasal kana at hindi sa kanya?" seryosong tanong ni Danny. Umiling lang ako.
"Lagot ka!" sabay sabay nilang sabi sa akin.
"Guys look. Paano ko naman sasabihin? Kakarating lang nung tao." depensa ko sa sarili ko.
"Kailan mo balak sabihin? Kapag malapit ka nang masakal?" si Dennis
"Alam naman nating lahat na my pagka spoiled brat yun. Sigurado lagot ka doon." pananakot ni Cupid.
"I still remembered ng mag away si Dennis at si Dastan nung highschool tayo. Sinugod ni Tamarra si Dencio at saka sinakal." natatawang kwento ni Mac. Natawa na rin ako ng maalala ko iyong bagay na yon.
"Until now, ramdam ko pa rin ang sakal ng amasonang babaeng yon." naiinis na sabi ni Dennis.
"At hindi malabong gawin niya yon sayo Dastan." sabi ni Danny.
"At kailan ka pa naging madaldal Doc?" inis kong tanong.
"Nang maging kaibigan ko kayo." natatawang sagot nito.
"Bawas bawasan mo ang pagsama sama dyan kay Dennis." napapalatak na komento ni Cupid.
"Tama ng si Tadaka ang laging kasama niyan para matutong magtagalog. Hindi puro Oo nga lang ang kayang sabihin." sabi pa ni Mac.
"Oo nga." nakangising sagot ni Tadaka.
"See?"
Nasa ganito kaming sitwasyon ng dumating si Thunder. Napaka seryoso pa rin ng ekspresyon ng muka nito kahit kailan. Kung sino man sigurong makasalubong nito ay mangingilag dito basta sinulyapan nito. Pero kaming mga kaibigan nito ay sanay na sa pagiging seryoso nito dala narin marahil na sa airforce ito dati nagtatrabaho.
"Parw, mamamanhikan na raw sa inyo si Dastan." panimula ni Dennis.
Binato ko lang siya ng nahawakan kong throw pillow. Nag peace sign lang sa akin ang loko. Nang lingunin ko si Thunder nakakunot nuo lang ito at direktang nakatingin sa akin.
"Akala namin hindi ka na naman pupunta." sabi ko para makaiwas sa kalokohang pinagsasasabi ni Dennis.
"Sinong mamamanhikan Saavedra?" tanong ni Thunder kay Dennis.
"Si Prince of Persia." si Tadaka ang sumagot at itinuro pa ako.
"Prince of Persia?" Nakakunot noong tanong nito at dumeretcho sa counter
"Dastan." simpleng sagot nito habang naglalaro ng bilyard.
"Why?" simpleng tanong nito.
"Don't mind him Thunder." sabi ko nalang.
"Anyway, anong sabi sayo ng magaling kong kapatid?" maya maya ay tanong nito.
"So it's really true." si Mac at tumango tango pa.
"Huwag kang epal Macario. Naguusap iyong mag bayaw na hilaw." si Dennis.
"Shut up ka din Dencio." Si Danny.
"Akala ko ba tayo na ang magkakampi ngayon Danillo? Your hurting my feelings." maarteng sabi ni Dennis.
"Shut up Saavedra! Or else you want to be my next target!" si Thunder at saka tinuro ang Dart board kay Dennis. Umiling lang ang huli.
"So, may sinabi ba sayo si Tamarra?" baling niya sa akin.
"Wala naman. May dapat ba siyang sabihin sa akin?" balik tanong ko Huminga ito ng malalim bago nagsalita
"Akala ko tototohanin niya yung sinabi niya sa akin."
"Na?"
"That she's going to propose a marriage." huminto muna ito at saka niya ako tinuro "To you."
"What?" gulat kong sabi.
"Your kidding, right?" sabi ko at saka ako tumayo at nakilaro na din ng billiard kila Dennis.
"No, I'm not." maikling sagot nito.
"Kaya ba ako ang pinapunta mo para sunduin ang kapatid mo?" sabi ko. "And you believe her?" di ko makapaniwalang tanong sa kanya.
"Sort of, you know her. She's a spoiled brat. Kapag sinabi niya ginagawa niya. Don't blame me if I believed her." naiiling nitong sagot.
"What will be your answer if ever Dastan. Is it I do or I'm sorry?" nangaasar na tanong ni Tadaka
"Shut up!" asik ko dito.
"Nasabi mo na ba sa kanya?" pamaya maya ay tanong nito. Umiling lang ako.
"I'm just looking for a perfect timing."
"If I were you, sasabihin ko na asap. And huwag kang magtataka kapag ngumawa sa harapan mo ang kapatid ko." sabi nito.
"At kung sugurin man niya ang fiancée mo." Dugtong ni Danny.
"You think gagawin niya yon?" tanong ko kay Danny pero ang tingin ko na kay Thunder. Nagkibit balika lang siya sa akin.
"Wanna see?" si Cupid
"And are you ready?" si Mac
"To Die or to Die?" si Tadaka.
"Pareho lang yun ulol" si Dennis.
"Shut up all of you!" I hissed.