Tamarra's POV "Hay Dastan, you're such an idiot! How can I love a man like you? Kainis!" naiinis kong sabi kahit wala naman akong kausap. Masarap palang maglakad sa village namin ng gabi. Maraming star. Tahimik. Nakakawala ng stress. Napabuntong hininga nalang ako. Nakaka wala ng ganda ang nangyari ngayong gabi. But for now, kailangan ko munang mag hunos dili dahil si Ninong Rich daw ang bahala. Sana lang matauhan ang kaibigan kong bulag na sa pag ibig. Hindi ko alam kung talagang mahal nga ni Dastan si Divina. O inlove lang si Dastan sa idea ng pagmamahal? Ang gulo. Kahit ako naguguluhan na sa mga nangyayari. Ilang araw palang ako. Paano pa kapag inabot na ako ng buwan dito sa Pilipinas? Ang swerte nga ni Divina kase siya ang minahal ni Dastan. Samantalang ako, ako na nga ang nagpapa

