Tamarra's POV Naririnig ko naman sa baba ang mga kulitan ng barkada ni Dastan. Sa may pool area nalang pala sila nag ayos ng pagkain. Kumpleto ang ang barkada. Kaya sobrang ingay. Nakita ko si Tadaka na inaayos ang camera nito. Nakita ko si Storm na agad ulit lumapit sa akin. Kaya kinarga ko nalang ulit ito. "Hello Ninong Handsome." bati nito kay Dastan. Yes "Hello young man. Did you like our pasalubong?" tanong nito kay Storm. "Seriously Dastan? Pasalubong natin o pasalubong ko lang?" nginisihan niya lang ako. "I don't like it Ninong. I love it. Like Ninang Gorgeous. I love her." Saka ako niyakap ng mahigpit ni Storm. "Oh, so sweet. I love you too baby." Saka ko ito pinugpog ng halik sa muka. Humagikgik lang ito. "And Ninong Handsome. If you will hurt my Ninang, I will punch you!"

