Tamarra's POV Kinabukasan ay nagising ako sa mga katok sa may pintuan. Ang napag buksan ko ay ang gwapong muka ni Dastan. Mukang papasok na ito sa opisina dahil gayak na gayak na ito. Ang gwapo talaga nito kahit na anong suotin. Pero asar pa rin ako sa kanya. Napakunot nuo ito ng tingnan ako. Inirapan ko lang siya at niluwagan ang bukas ng pintuan. Napailing nalang ako ng pumasok na naman sa isip ko iyong nangyari sa pagitan namin kagabi. "What do you want?" saka ako padabog na naupo sa kama ko. Humalukipkip pa ako. "Papasok kana sa office? Agad agad?" Tumango lang siya sa akin. Hindi ito nagsalita, bagkus ay tinitigan niya lang ako. Nilapitan niya ako at umuklo sa harapan ko. Nagtataka ko naman siyang tiningnan. "What is this?" napasinghap ako ng hawakan niya ang kanang balikat ko.

