Episode 10. Si Bantay

1461 Words
Pagpasok ko sa klase kinabukasan, nataong Major subject ang unang klase namin kaya mag-aantay pa ako ng isang oras at kalahati bago ko makompronta ang mga tatlong musketerong mokong. At habang dumaraan ang oras ay naiinip ako. G na G lang na makausap ko ung tatlo at tanungin kung may ginawa na sila kay Jun kahapon. Balak kong sila ang magsabi sa akin ng kung ano ang ginawa nila sa ka eye-ball ko kahapon. Kahit kasama ko sa Major subject si Rodel at nasa kabilang mesa lang sya mula sa kinauupuan ko ay ayaw ko muna syang tanungin tungkol sa bgay na iyon. Mas gusto ko na tatlo silang nasa harap ko bago ko iopen ang  pangbatang tapak issue. Lakas makaisip bata lang kasi talaga ng sinasabi ni Jun na ginawa nung tatlo. Gusto kong isipin na nagawa lang ng kwento si Jun, pero I really want to know the facts first. Then what? After ko malaman ang sagot ng tatlo, ano nga ba ang gagawin ko? At sa wakas second subject of the day na namin. Naglalakad na kami patungo sa second subject namin at nasa tabi ko na si Rodel. Ung dalawa na lang ang kulang para maitanung ko na ang itatanung ko. Kaso pag  minamalas ka nga naman ang aming guro na si Mrs. Mary-Ann Abril ay nasa loob na ng aming classroom. Mukhang sinusuwerte pa ang mga mokong ah. Nde ko pa agad sila makokompronta sa ginawa nila kahapon. Hala sige mamaya pagkatapos dito matatanung ko na ang mga hinayupak. Ewan ko kung ano nararamdaman ko, hindi naman ako galit eh, more on curious lang ako kung totoo ang sinasabi ni Jun. At sa isang side ng utak ko ay hinihiling ko na sana hindi totoo ung sinasabi ni Jun at gumagawa lang sya ng istorya tungkol dun sa tatlo kasi nde sila pumayag na sumama kami mag burger. Yun ba yun? Yun ba talaga ang dahilan kung bakit atat na atat ako na matanung sila ng totoong nangyari? Or gusto ko marinig yung side nila bakit nila ginawa yun kasi umaasa akong sa isang banda ay totoo ang kutob ni Jun na merong isa sa kanila ang nag seselos sa pagsulpot nya kahapon? Alin ba dun ang gusto ko masagot na tanung sa tanung ko? Ah!!!! Basta!!!! Kailangan ko malaman ang sagot nilang tatlo para hindi ko isipin na may kagaspangan pala sila ng ugali na itinatago sa akin. "Ok class, you are dismissed. Make sure you do your individual assignments regarding our Filipino heroes and research about their heroism and their contributions to our beloved country". paalam ni Mrs. Abril sabay lakad patungo sa pintuan ng aming silid-aralan. Si Mam Abril ay aking paboritong guro mula pa noong ako ay nasa sekondarya pa lamang. Kung tama ang pagkakatanda ko, nagtapos si Mam Mary-Ann Abril ng Magna c*m laude sa Philippine Normal University. Black beauty ang bansag naming mag-aaral sa kanya dahil napakaganda ni Mam Abril not only on the outside but also in the inside. Proud Tayabasin si Mam dahil taga Tayabas, Quezon siya na nakapag-asawa ng Batangueño kaya sa Batangas na sila tumira ng kanyang pamilya at dito na sya nagturo sa aming paaralan. "Ok mam". halos sabay-sabay na sagot ng aming klase.  At dahil magkakalapit lang kami ng upuan ng Tatlong Musketero ay sabay-sabay kami naglakad patungo sa tambayan dahil may 30 minutes kaming breaktime ngayon at doon kami mag snacks habang nag-aantay ng oras para sa sunod na subject namin. "Guys", parang taeng-tae lang at hindi na ako makapag-intay na tanungin sila tungkol sa ginawa nila kahapon. "Me ginawa ba kayo ke Jun kahapon na dapat kong malaman?" ani ko sa tatlong kaharap ko ngaun dito sa tambayan namin. Kami pa lang ang tao rito dahil nabili pa ang iba ng snacks sa canteen. "Bakit me sinumbong ba ang MANLILIGAW mo sa iyo ha?" mataray na tanung sa akin ni Superman este Marzon pala. "Gusto ko kayo ang magsabi sa akin. Ano ang ginawa nyo?" banat ko ulit. "Ako tinapakan ko sya nung pababa na tayo ng jeepney kahapon". pag-amin ni Marzon sa akin. "Bakit mo ginawa yun?" tanong ko sa kanya. "Wala lang, gusto ko lang. Bakit umiiyak ba sya na nagsumbong sa iyo na tinapakan ko sya?" me halong inis na tanung nya sa akin. "Tinapakan mo pala pareng Marzon? Langya eh tinapakan ko rin eh!" excited na pag-amin naman ni Paul sa kalokohang ginawa nya kay Jun kahapon. Ligayang-ligaya pa ang loko habang nagkukuwento! Proud na proud pa sya eh! Grrrrr. "Ako tinapakan ko din kasi nakita ko si Pareng Marzon na tinapakan nya ung dumalaw sayo. Ginaya ko lang sya." ngingisi-ngising amin naman ni Rodel.  "So, parang lumalabas na nagkataon lang na kayong tatlo talaga ay walang usapan na gawin iyon kay Jun ha?" asik ko sa tatlo. "Ay galit sya mga pare oh. Ako aminado ako solong desisyon ko yun, at hindi ko sinabi kina pareng Paul at Rodel. Pero ang nakakatawa tatlo pala kaming tumapak sa kanya. Hindi pa namin pinag-usapan ang bagay na iyon ha! Astigin tayo mga Pare!!! Nababasa natin ang isip ng bawat isa ah!" wika ni Marzon na sobrang tuwa sa rebelasyon ng dalawang ugok .  "Hahaha, ang galing nga pare. Di pa tayo nag plano nyan ha. Basta na lang nagyari at nakakatawa talaga kasi kawawa ung paa ni LOVERBOY nyan hahaha. Naku sorry Princess ha, hindi namin sadya tatlo un. Ang alam ko talaga ako lang tumapak kasi gusto ko lang talaga gawin yun sa kanya. I'm in the mood for it kasi. Pero hindi ko expected pati tong sina Paul at Rodel eh nakitapak din pala" paliwanag pa ni Marzon,  "Ewan ko sa inyo, dyan na kayo at bibili ako ng pagkain. Pag si Jun bumalik dito hindi na ako sasabay sa inyo pauwe ang bu-bully nyo eh!" inis kong sigaw sa kanila habang naglalakad patungo sa direksyon ng kantina. Habang naglalakad ako papunta sa canteen ng paaralan, nararamdaman ko na parang may nakatitig sa akin. Pagtingin ko sa paligid ay nakita kong kasunod ko pala si Marzon.  "Oh bat, sinusundan mo ako ha" maangas kong tanong ke Marzon dahil naiirita ako sa mukha nya ngaun na parang nakalamang sa kapwa ang itsura.  "Wala pupunta lang ako sa canteen, bibili lang din ako ng pagkain ko. Hindi ba pedeng sumabay sayo? Wag kana magalit dyan pwede, wala naman kami intensyon na ganun ang gawin sa MANLILIGAW mo eh. Nagkataon lang talaga PROMISE". sabay taas pa ng kamay na parang nanunumpa.  "Di ko sya manliligaw okay." sagot ko sa kanya. "Hindi pa sa ngaun pero sa mga susunod na araw ay liligawan ka na nyan. Pero wag kang mag-alala kasi me bantay ka naman eh. Babantayan ka namin para walang mangyaring masama sa iyo. Para anupat kaibigan mo kami kung hahayaan lang namin na may mangyari sa iyo habang kasama mo kami diba?" himig nangungumbinsing sabi nya sa akin.  "Hindi ko kailangan ng magbabantay sa akin okay. Saka phonepal ko lang si Jun, magkaibigan lang kami wala naman syang sinasabi sa akin na ibang pakay bukod sa pagiging magka phonepal namin kasi nababagot sya tuwing gabi at ang past time nya ay ang tumawag sa landline ng may landline. Inamin naman nya na madami na daw syang nakausap dati na mga babae pero hindi rin nagtagal kasi hindi sila interesado sa pakikipag phonepal. Nataon lang ng gusto ko ang ugali ni Jun at masaya naman syang kausap kaya siguro nagkainteres syang sorpresahin ako kahapon. Tapos ginanun nyo pa ung tao. In the first place hindi ko hiningi ang protektahan nyo ako. Kasi wala namang threat e, nakikipag-kaibigan lang ung tao sa akin kaya wag nyo sana masamain ang intensyon nya". mahaba pero may laman na paliwanag ko sa kanya. "Basta hindi ako papayag na ligawan ka nun" pabulong na sabi ni Marzon bago kami pumasok sa canteen. "Anong sinabi mo?" kunot-noong tanong ko sa kanya. "Kung hindi mo narinig, FORGET IT!" sabay talikod nya sa akin. Tulala akong nakatingin sa likod nya habang pumipila para makabili ng pagkain. Tama ba ang rinig ko or asumera lang ako? HIndi daw sya papayag na ligawan ako ni Jun? Anung meron? Full moon ba mamaya at parang binubuwan tong si Marzon? Ang mood... kakaiba hindi normal... parang biglang nag evolve into something ang lolo nyo. Lakas makapag pa FALL ng putek!  To be continued...... Salamat po sa mga friends ko na nag-follow sa akin sa Dreame; Juvilyn Gapasin John Philip Alejandria  Ma. Maureen Mercado  at sa sister kong si Precy. Love you 'lil sis. Please follow my journey po in Dreame  sa mga bagong nag babasa po ng story ko at pwede rin po kayo mag leave ng comment para alam ko kung may nagbabasa ng sinusulat ko po. Thank you in advance. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD