Kinagabihan, 9PM pa lang ng gabi ay tumawag na si Jun. Maaga sa nakasanayan kong oras ang tawag nya ngayon. Buti na lang at natapos ko na ang mga gawaing bahay ko, kaya pde ko na tanggapin ang tawag nya. Meron akong extension sa room ko kaya sabi ko sa kanya ay pag naubos ang minuto ng tawag nya ay tumawag na lang sya ulit at sa room ko na sasagutin para pwede akong mahiga sa bed ko habang kausap sya sa landline phone.
Dali-dali akong umakyat ng mag-ring agad ang phone sa pag-aakalang si Jun ang nasa kabilang linya. Nang sagutin ko ang tawag ay nagulat ako dahil hindi si Jun ang kausap ko.
"Hello, sino po sila" tanung ko sa nasa kabilang line.
"Hello po pwede po bang maki pag phone pal?" sagot naman ng nasa kabila.
"Sorry po sir pero busy po akong tao, sa iba na lang po kayo maki pag phone pal". balik sagot ko sa kausap ko sa kabilang linya.
"Ayan ganyan ka Cess, pinipili mo ang kakausapin mo ah." sabi ng kausap ko sa phone.
"Sino po ito? Bakit kilala mo ako?" tanong ko ulit.
"Hala hindi mo kami kilala?" sagot ulit ng nasa kabila pero ibang boses na.
"Sino po ba ito? Pag hindi ka nagpakilala ibababa ko ang tawag na ito!" may pananakot na sabi ko sa kausap ko.
"Aba, namimili ka talaga ng kakausapin ah" boses ulit ng unang nakausap ko ang narinig ko sa kabilang linya. Nahalata ko na parang medyo tipsy ang boses ng kausap ko. "Si Superman ito.... hindi mo ba nakilala ang boses ko or me ibang boses kang gustong marinig?" banat pagtataray na naman nya sa akin.
"Malay kong ikaw ang natawag at saka hinde ka naman natawag sa landline ah. Anung meron at tumatawag ka gabi na ah tapos mukhang me inom ka pa."
"I'M GOOD..... dito kami kina pareng Paul. Lumabas lang kami kasi hinatid namin si Rodel sa sakayan ng jeep. At pagkatapos naghanap kami ng phonebooth ni Paul para asarin ka namin! Hahaha!" malakas na tawa mula sa kabilang linya ang naririnig ko at naasar ako ng medyo medyo lang naman.
"Naku Cess, nagseselos yang si Marzon! Maniwala ka sa akin!" sigaw naman ni Paul na dinig ko sa background.
"Shut up Paul! Hello bakit naman ako magseselos!" patuloy ni Marzon. "Hello, di kami talo nitong si Cess, tropa to eh! Tropa lang kami nito! Mas malaki pa nga katawan nito sa akin eh, takot ko na lang!" pasigaw na sabi pa nya sa kay Paul or sa akin...
"Cess, bye na kung anu-ano ng sinasabi nitong si Marzon. Baka mag-kapikunan na naman kayo". agaw ni Paul sa phone at nagpaalam na.
"No, no, no. I want to talk to her pare. Don't drop the call just yet. I haven't said goodbye and goodnight to her." patuloy na pangungulit pa nya ke Paul.
"Cess, bukas n lang ha. Bye" si Paul ulit sabay to-to-tooot na ng phone ang narinig ko.
Binaba ko ang handset at hindi ako makapaniwala sa nangyaring tawag. First time tumawag sa akin ni Marzon, anong meron? Naguguluhan ako at nawiwindang sa naiisip ko na dahilan nya sa pagtawag sa akin, pero I can't just entertain the thought that he is jealous with Jun. I just can't jump into that stupid conclusion dahil ayaw kong magkaron ng false hope. Masakit ang umasa sa wala namang kahihinatnan at patutunguhan.
Nasa ganun akong pagtatalo ng isip ng bigla akong nagulantang sa muling pagtunog ng landline phone namin. Agad ko iyong sinagot, hoping na si Marzon ulit ang tumawag sa akin, but I was somehow disappointed ng ibang boses ang marinig kong nagsalita sa kabilang linya.
"Hello, Princess, bakit busy yung phone nyo? Kanina pa ako nagtatry na maka connect ulit ng call pero busy eh. Kala ko nga nagalit ka na at ini-hang mo na ang phone nyo para hindi na ako makatawag. Akala ko ayaw mo na ako makausap kasi pinuntahan kita kanina sa school nyo". Mahabang paliwanag ni Jun at tuloy-tuloy nyang pagsasalita sa handset na parang hinahabol ng kung ano dahil sa pagmamadali.
"Mayron lang tumawag kanina kaya busy ang phone at hindi ka makasingit ng tawag Jun. Pero ngayon naman ay wala na kaming ine-expect na tawag ulit. Kaya maari na tayong mag-usap ulit. Pasensya ka na kung medyo matagal ka nag-antay na matapos ang isang tawag kanina". paliwanag ko naman sa kanya na may bahid na rin ng paghingi ng paumanhin sa kanya.
"Para sa iyo Princess, okay lang na maghintay ako basta makausap lang kita bago ako matulog ay masaya na ako". banat ni Jun sa kabilang linya.
"Kuhhhh Miss wag kang maniwala dyan sa mga pinagsasabi nyan! Ang dami na nyang girlfriend! Me asawa pa yan at lima na ang anakan nyang kausap mo Miss! Kaya wag na wag kang magpapaloko dyan! Papaiyakin ka laang nyan! Sigaw sa background ng isang lalaki.
"Tang-ina pare baka maniwala tong si Princess sa kalokohang pinagsasabi nyo! Tigilan nyo yan at bawiin nyo ang mga sinabi nyo, kung hindi makakasapak ako ng kaibigan ngayong gabi!" asik ni Jun sa mga nagsalita kanina.
"Uy Miss nagbibiro lang kami ha. Mabait yang tropa namin. Medyo nakainom na kasi kaya nambuburaot na kami. pasensya ka na, wag mo babastedin tong kaibigan namin na pikon!" nagtatawanan na naman ang mga lalaking kasama ni Jun sa tindahan na tinatambayan nila.
Pati ako ay natawa na rin ng bahagya dahil parang nakikita ko ang nakasimangot na mukha ng kausap ko habang nakatingin ng masama sa kanyang mga kaibigan.
"Wag mo na lang sila pansinin Jun, baka kasi magkapikunan pa kayo. Di naman ako basta naniniwala sa mga birong ganyan. Natural na yan sa inyong mga lalaki, puro kayo biro at ang ending nagkakapikunan. Kaya sana wag mo na initan ng ulo ang mga friends mo". sabi ko pa sa kanya.
"So anung pag-uusapan natin ngayon?" masayang pagpapatuloy ni Jun sa pagsasalita. "Nga pala bago ko makalimutan, me galit ata sa akin ang mga kaibigan mo na naghatid sayo sa bahay nyo kanina." ani Jun.
"Huh?" naguguluhang sabi ko. "Bakit mo naman nasabi yan tungkol sa mag kaibigan ko Jun? Mababait ang mga yun at medyo may pagka-protective lang sa akin ang mga iyon". pagtatanggol ko kina Rodel, Paul at syempre ke Marzon.
"Sana wag mo isiping nagsusumbong ako at sinisiraan ko sila sayo Princess ha, pero wala lang naman sa akin yun ginawa nila. Gusto ko lang ikwento sayo, actually nakakatawa nga yung nangyari eh. Diba nauna kang bumaba ng jeep kanina, ung lahat ng kasunod mong bumaba ay tinapakan ang paa ko. Tatlong tapak ang natanggap ko kanina galing sa tatlong mga kaibigan mo." natatawang sabi pa ni Jun sa akin.
"Talaga? Parang timang ang mga yun ah. Yaan mo at pagsasabihan ko sila bukas pag nakita ko sila sa school. Pagpasensyahan mo na lang sila ha, hindi ko alam kung anung naisipan ng mga yun at tinapakan ang paa mo. Parang ang childish lang!" naiiling kong sagot sa kausap ko.
"Wag mo na sabihin sa kanila, okay lang naman sa akin yun. Pero tingin ko isa sa kanila ay may gusto sayo at alam nung mga kasama nya yun, kaya ganun ang ginawa nila. Kasi lalaki ako at alam ko ung ganung galawan eh. Kaya tinatawanan ko na lang ang nangyari." tatawa-tawang patuloy nya. "Wala bang nagtatapat sa iyo alinman dun sa tatlo? tanong nya sa akin muli.
"Walang may gusto sa akin dun ano ka ba. Wala rin nagtatapat kaya tingin ko childish thinking lang yun ng mga kaibigan ko. Umiral lang ang pagiging isip bata nila siguro kanina." pagtatapos ko sa topic namin tungkol sa tapak issue.
"Sana nga mali ako Princess, sana nga." mahinang usal ni Jun.
To be continued.....