SHANIYA'S POV Napabuntong hininga na lamang ako nang sa ikatlong pagtawag ko kay Yanissa ay hindi pa rin niya ako sinagot. Napailing na lang ako dahil doon. Ngayong kilala na siya ng lahat bilang asawa ni Xander, mukhang mas lalo nang imposible na makasama ko siya sa mga gimik ko. Nami-miss ko na ang bestfriend ko pero kailangan ko na yatang tanggapin na ibang iba na ang buhay niya ngayon. Mas mahirap na siyang mahagilap ngayon. Kaya heto, mag-isa lang ako ngayon dito sa bar. Kaya ko namang gumimik mag-isa ngunit iba pa rin talaga kapag kasama ko si Yanissa. Kung hindi lang ako stress sa opisina ay hindi na lang ako lalabas. I need to unwind and freshen up. "Hi." Napalingon ako sa lalaking umupo sa tabi ko. Gwapo naman siya at lalaking lalaki, ngunit wala ako sa mood makipag-usap sa k

