THIRD POV Alas sais pa lang ng umaga ay bihis na si Xander. Hindi siya gaanong nakatulog kagabi dahil sa mga nangyari kaya maaga na lamang siyang nag-ayos ng sarili. Sa kwarto na rin ni Yanissa siya natulog dahil binantayan niya ang dalaga. Napapaisip siyang baka kapag nagising si Yanissa ay balakin na naman nitong saktan ang sarili. Sa paglipas ng panahon na kasama niya si Yanissa, uni-unti niyang nakikilala ang asawa. Hindi maganda ang childhood ni Xander na halos kamuhian niya ang mga magulang dahil doon. Ngunit hindi niya akalain na mas masalimuot pala ang childhood ni Yanissa. Hindi madaling mawalan ng magulang, at kahit may ninong pa na kinalakihan si Yanissa, hindi nito mapupunan ang malaking bagay na nawala kay Yanissa. Kaya kahit papaano ay nagpapasalamat pa rin si Xander na buo

