YANISSA'S POV "Saan ba kasi tayo pupunta?" naiinis kong tanong kay Xander habang tahimik lang siyang nagmamaneho. Dahil sa pananakot niya sa akin kanina ay wala akong nagawa kundi ang sumunod sa gusto niya. Baka mamaya ay totohanin talaga niya ang sinabi niya, mahirap na dahil baka makabuo na talaga kung sakali. Mabuti na lang din na paglabas ko ng kwarto ay nakaalis na ang mga magulang ni Xander. Ang totoo kasi ay hindi ko pa alam kung paano sila haharapin dahil sa issue na kinakaharap ko ngayon. Ni hindi ko rin magawang tanungin si Xander kung may ginawa ba siya dahil naalala ko kagabi na sinabi niyang siya na ang bahala sa lahat. "Sa mga tanong mo sa akin kung saan tayo pupunta, sinagot ba kita?" balik tanong niya sa akin. Napairap na lamang ako. "Sana sinabi mo na lang na wala kang

