THIRD POV Mabilis na nakarating kay Leandro ang balita na nalaman na ni Xander ang taong nasa likod ng pagkalat ng picture nila ni Yanissa. Kilala niya ang kaibigan at paniguradong hindi nito palalampasin ang nangyari. Nag-aalala siya sapagkat hindi niya inakala na mahahanap agad ng kaibigan ang taong may pakana ng lahat. Hindi na rin siya mapakali sapagkat hindi na sinasagot ni Yanissa ang mga tawag niya. Buong akala niya ay sa kaniya lalapit ang dalaga ngunit nagkamali siya. Mukhang umiiwas na ito sa kaniya. Hindi na rin niya matawagan si Shaniya. Simula nang mag-propose siya dito ay hindi pa niya ulit ito nakakausap. Kailangan niyang makausap si Shaniya sapagkat kinukulit na siya ng magulang tungkol sa proposal. Mukhang umaayos ang mga magulang na tuluyang magpakasal kay Shaniya. Ngu

