THIRD POV Napangiti na lamang si Xander nang marinig ang sinabi ni Yanissa. Pumayag na ito sa tatlong araw nilang pamamalagi sa Re-creation Center. Ang totoo ay biglaan lang din ang naging desisyon niya na ilayo muna ang asawa sa mga kaguluhan. Nang malaman niya ang kondisyon ni Yanissa na sinasaktan ang sarili ay ito ang pinakamagandang lugar na maaari niyang pagdalhan sa asawa. Nais niyang baguhin ang habit na iyon ni Yanissa. At sana ay magawa niya iyon bago matapos ang tatlong ara nilang pamamalagi sa lugar. Naputol ang kaniyang pag-iisip nang tumunog ang kaniyang cellphone. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay lumabas muna siya saglit sa kwarto. Kasalukuyan kasing naliligo si Yanissa. "Hello." "Pinasundan na po namin ang bata, Sir. At totoo po ang hinala niyo, nakita namin

