Matapos ang gulong nangyari kaninang umaga ay naging tahimik sa loob ng opisina. Mapayapang nakapagtrabaho si Yanissa sapagkat hindi siya ginulo o kinausap pa ni Lalaine. Maski ang ibang mga empleyado ay ilag sa kaniya. Marahil ay natakot ang mga ito sa naging kilos niya kanina. Hindi naman niya ito pinagsisihan sapagkat nakamit niya pansamantala ang kapayapaan sa kaniyang trabaho. Saktong alas dose ay nagsialisan na ang mga empleyado upang kumain ng kani kanilang tanghalian. Naiwan naman si Yanissa sapagkat wala siyang ganang kumain ngayon. Nakatitig lamang siya sa monitor ng kaniyang computer. "Come with me." Napapitlag pa siya nang biglang magsalita ang kaniyang asawa na si Xander. Sa sobrang lalim ng kaniyang iniisip ay hindi na niya namalayan na nasa likuran na pala niya ang lalaki

