20 - Escape

1701 Words

"Pagpasensyahan mo na lang siya." Napalingon si Yanissa kay Leandro nang bigla itong magsalita. Deretso itong nakatingin sa kaniya kaya naman mabilis siyang nag-iwas ng tingin. "Mas mabuti siguro kung bumalik na ako sa opisina," ang tanging nasabi na lamang niya. Narinig niya ang pagbuntong hininga ng binata at ang pagbaba nito sa hawak na tinidor at kutsara. "Yani, may chance ba na mahalin mo ang asawa mo?" deretsong tanong pa nito sa kaniya. Doon ay mabilis siyang napatingin sa binata. "Ano bang pinagsasabi mo?" naguguluhan niyang tanong. Tipid na ngumiti naman si Leandro. "Ipinakasal lang kayo, hindi ba? Gusto kong maintindihan kung bakit pumayag kang magpakasal sa kaibigan ko," seryosong sagot nito. Marahan namang napatango si Yanissa. Sa tingin niya ay naiintindihan na niya kung

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD