YANISSA'S POV Alas siyete na ng gabi at nandito na ako sa loob ng kwarto. Katatapos lang naming kumain ng dinner at naiwan pa sa labas si Xander dahil kausap pa niya ang manager ng recreation center. Nauna na akong pumasok dito sa kwarto at kasalukuyang hawak ang bulaklak na galing kay Xander. Hanggang ngayon ay natutulala pa rin ako dahil sa ganda ng bulaklak na ito. Idagdag pa na paborito ito ni Mommy at siya ang tumatakbo sa isipan ko ngayon. Hindi ko alam kung alam ba ni Xander ang kahalagahan ng bulaklak na ito sa akin. Ngunit hindi ko maiwasan na isipin na may alam si Xander dahil hindi naman ordinaryong bulaklak ito. I mean, kalimitan kasi sa mga lalaki, rose ang ibinibigay sa mga babae. At isa pa iyon sa gumugulo sa isipan ko. Anong dahilan ni Xander para bigyan ako ng bulaklak?

