YANISSA'S POV Hinihingal na napaupo ako sa may gym dahil halos isang oras kaming naglaro ni Xander ng badminton. Hindi ko akalain na ang isang lalaking never daw naglaro ay ganito kagaling. Nakakapaglaro naman ako ng badminton kaya marunong ako kahit papaano ngunit hindi ko maitatanggi na magaling si Xander. Kahit noong una ay halos hindi niya matamaan ang shuttlecock ngunit nang tumagal ay natatalo na niya ako. "Marami pa tayong pwedeng laruin sa loob ng tatlong araw," nakangiting sambit niya sa akin. Bahagya naman akong napailing. "Hindi naman sanay ang katawan mo sa mga ganitong activity, baka pagbalik natin sa mansion ay may sakit ka na," pabiro ko namang sabi sa kaniya. Kinuha ni Xander ang towel at tubig na provided ng recreation center at iniabot sa akin iyon. Hindi naman ako na

