Isang malakas na katok ang nagpagising kay Yanissa. Yamot siyang bumangon at tiningnan kung anong oras na. Alas sais pa lamang ng umaga kaya naman antok na antok pa siya. Hindi kasi siya masyadong nakatulog kagabi sapagkat namamahay siya. Kagabi ang unang gabi niya sa mansion ng mga Adler, at unang gabi rin na hindi siya nakapunta sa bar kaya naman hindi talaga siya dinalaw ng antok. Nais man niyang lumabas kagabi ay pinigilan niya ang sarili sapagkat natatakot pa siya na muling mapahamak. At isa pa ay napakaraming bodyguard ang nakapaligid sa buong mansion. Hindi pa niya alam ang pasikot sikot ng bahay kaya hindi pa niya alam kung paano matatakasan ang mga ito. Nasundan pa ng mga katok ang pinto ng kaniyang kwarto kaya padabog siyang lumapit doon. Bago niya binuksan ang pinto ay sinilip

