Walang nagawa ang dalawa sa naging desisyon ng mga nakakatanda sa kanila. Nang araw ding iyon ay kasama na ng pamilya Adler si Yanissa sa mansion ng mga ito. Sinabihan naman si Yanissa ng kaniyang ninong na aaraw-arawin nito ang pagbisita sa mansion upang hindi ito gaanong malungkot. Hindi tuloy alam ni Yanissa kung ayaw na ba ng kaniyang ninong sa kaniya dahil ganoon lang kadali para rito na ipamigay siya. Kung tutuusin kasi ay dapat pagkatapos pa ng kasal bago siya sumama kay Xander. At isa pa, hindi ba dapat may sarili na silang bahay ng binata? “Just feel at home, Hija,” nakangiting sambit sa kaniya ni Mrs. Adler nang makarating sila sa mansion. Lumaki sa isang napakalaking bahay si Yanissa. Ngunit nang makita niya ang mansion ng mga Adler ay hindi niya naiwasan ang mamangha. Pakiram

