6 - The Truth

2058 Words
Mabilis na kumalat sa buong lugar ang pagpapakasal nina Xander at Yanissa. Malaking usapin ito sapagkat parehong nasa ma-impluwensyang pamilya ang dalawa. Hindi na rin naman tumutol si Yanissa sa kasunduang kasal sapagkat nakita niya kung gaano kayaman at ka-impluwensya ang pamilya Adler. Malakas ang kutob niyang ang pamilya Adler ang may hawak sa isa sa mga black organization sa kanilang lugar. Mas mahalaga pa rin sa kaniya ang mga plano niya at saka na lamang niya iisipin ang tungkol kay Xander at kung paano sila kapag mag-asawa na silang dalawa. Samantala, mabilis na nakarating ang balita kay Allesia. Lumuluha siyang nakatitig lang sa kaniyang cellphone na naglalaman ng balita tungkol sa kasalang Bragantia-Adler. "Hija, makakasama sa 'yo ang ma-stress," paalala sa kaniya ng ina na siyang matiyagang nagbabantay sa kaniya sa ospital. Simula nang ma-confine siya ay hindi na siya iniwan pa ng ina kaya kapansin pansin ang biglaang pagpayat nito. "Mahal na mahal ko siya, Ma. Pero hindi ko akalain na ganoon kadali sa kaniya na kalimutan ako," dismayadong sambit naman niya sa ina habang nakatingin pa rin siya sa cellphone niya. “Anak, hindi ko naman siya masisisi sapagkat iniwan mo na lang siya ng walang paliwanag,” mahinahong sagot sa kaniya ng ina. Marahang napailing si Allesia. “Kilala ko si Xander, hinding hindi siya magpapakasal sa kahit na sino. Pakiramdam ko ay pinilit lamang siya nina Tito upang pagtakpan ang pag-reject ko sa proposal niya,” umiiyak na sambit naman niya. Sa ilang taon nilang magkasintahan, alam na alam na ni Allesia kung paano mag-isip ang isang Xander Rowan Adler. Alam niyang mahal na mahal pa rin siya ng binata kahit na naging malaki ang kasalanan niya. Hinihintay lang naman kasi niyang tuluyan siyang gumaling at pagkatapos ay babalikan niya agad si Xander at saka ipapaliwanag niya ang lahat. Hindi sumagi sa isipan niya na magpapakasal ang binata sa iba at iyon yata ang hindi niya kakayanin. Hindi siya nagpakaselfish at mas inisip niya ang kapakanan ni Xander. Kahit masakit para sa kaniya ang tanggihan ang proposal ng binata ay ginawa niya iyon. Nais kasi niyang magpagaling muna sa sakit niya bago sila magpakasal ni Xander. Nais niyang siguraduhin muna na mas maraming taon pa ang naghihintay sa kanilang dalawa kaya mas pinili niyang ilihim muna ang sakit sa binata. “Anak, sinabi naman na ng doctor na mas mataas ang tyansang mai-survive mo ang operasyon na gagawin sa ‘yo. Hindi ba dapat ay sabihin mo na kay Xander ang totoo? Hindi pa huli ang lahat, Allesia.” Napaisip si Allesia. May punto ang kaniyang ina ngunit nang sumagi sa isip niya ang magiging epekto sa kaniya ng operasyon ay bigla siyang nagdalawang isip muli. “Matatanggap po ba niya ako kung malaman niyang hindi na ako mabubuntis dahil sa pagpapagamot ko?” wala sa sariling tanong niya sa ina. Naramdaman niya ang mainit na kamay ng ina na humawak sa kaniyang kamay kaya mabilis siyang napalingon dito. “Allesia, kung alam mong mahal ka talaga ni Xander, matatanggap niya na hindi mo siya mabibigyan ng anak sa oras na sabihin mo sa kaniya ang buong katotohanan.” Pagkasabi no’n ng ina ni Allesia ay lumabas na ito ng kwarto. Muli namang napatingin si Allesia sa kaniyang cellphone. Habang nakatingin siya dito ay isa-isang naglaro sa kaniyang isipan ang mga panahong magkasama sila ni Xander, kung paano siya ipinaglaban ng binata sa mga magulang nito, kung paano siya ipinagtanggol nito sa lahat ng bagay at kung paano nito ipinadama sa kaniya araw-araw kung gaano siya kamahal ng binata. Hindi na siya nagdalawang isip pa. Mabilis niyang itinype ang numero ng binata at idinial iyon. Habang nagri-ring iyon ay kumakabog naman ng malakas ang kaniyang dibdib. Hindi niya sigurado kung anong kahahantungan ng pakikipag-usap niya sa binata ngunit gagawin niya ang lahat upang bumalik na sa kaniya ang binata. Hindi na siya matatakot and this time, siya naman ang lalaban. “Hello,” iritableng sagot ni Xander mula sa kabilang linya. Kakauwi lang ni Xander sa bahay dahil kagagaling lang niya sa kaniyang opisina. Matapos kasi ang pakikipagkilala nila sa pamilya Bragantia ay isinubsob na niya ang sarili sa trabaho. Hindi niya akalain na ang babaeng nakatagpo niya sa bar ay ang babaeng ipapakasal sa kaniya ng magulang. Kung hindi lang dahil sa Black Panther ay hindi siya papayag sa kasalang iyon. Kung may choice lang sana siya ay si Allesia pa rin ang pipiliin niyang pakasalan. Ngunit dahil sa pagtataksil ng dalaga sa kaniya ay hindi na niya alam ang gagawin. “X-Xander.” Natigilan si Xander nang marinig ang babaeng tumawag sa kaniya. Kahit na pangalan pa lamang ang binabanggit nito ay kilalang kilala na niya kung sinong tumatawag sa kaniya. “Nabalitaan kong magpapakasal ka na,” panimulang sambit pa ng dalaga. “Anong kailangan mo?” malamig niyang tanong sa dalaga. Hindi niya inaasahan ito. Hindi niya inaasahan na tatawag pa sa kaniya ang dalaga sapagkat tinanggap na niyang tapos na ang lahat lahat sa kanila ni Allesia. “Can you just please listen to me?” pakiusap sa kaniya ng dalaga. Pagak namang napatawa si Xander habang pumapatak ang kaniyang mga luha. He’s really hurt. The pain is striking directly to his heart for just hearing Allesia’s voice. And he doesn’t know how to undo it. “Listen? What for? After everything you’ve done?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Xander, may sakit ako. Actually, nasa ospital ako ngayon dahil bukas ay ooperahan na ako,” umiiyak na sambit sa kaniya ng dalaga. Pabagsak na humiga si Xander sa kaniyang bed at tumitig sa kisame ng kwarto. “And do you think I will believe you? You cheated on me, Allesia. Kaya nga hindi mo matanggap ang proposal ko, hindi ba?” “What? No! I never cheated on you,” pagtanggi naman ni Allesia sa kabilang linya. “Then how do you explain the pictures I saw? You’re kissing a man and you really look happy.” “What pictures, Xander? Alam mong hindi kita kayang lokohin. I love you so much.” Napapikit si Xander sapagkat nai-imagine niya ang dalaga na umiiyak. Hindi niya alam kung ano pang pakay sa kaniya ni Allesia ngunit unti unti nitong napupukaw ang buong atensyon niya. “Xander, kung ano mang picture ‘yan, that was not true. Nagkamali ako na tinanggihan kita at iniwan na lang basta. I am sick, Xander at hindi ko kakayanin na madamay ka sa problema ko dahil alam kong stress ka na rin sa pagpapatakbo ng kumpanya niyo. But to tell you honestly, babalikan naman kita sa oras na gumaling ako,” mahabang paliwanag pa ng dalaga. “Allesia, sa tingin mo ba talaga ay maniniwala ako sa ‘yo. Your excuse was so lame.” Ibababa na sana ni Xander ang tawag ngunit nagsalita si Allesia na ikinatigil niya. “I have Myoma, Xander. Lumaki na ito to the point na kailangan akong operahan at tanggalin ang buong uterus ko. Sinabi naman sa akin ng doctor na malaki ang chance kong maka-survive sa surgery, but the thing is, hindi na ako magkakaanak pa. Xander, hindi ko alam kung may mukha pa akong maihaharap sa ‘yo sapagkat hindi kita mabibigyan ng anak. Do you ever think how hard it is for me? Dumating ako sa point na ayaw kong magpagamot sapagkat gusto kong magkaanak, pero ikakamatay ko naman iyon. So kailangan kong mamili. Hindi na kita pipilitin pang maniwala sa akin. But para sa kaalaman mo, nandito ako ngayon sa US, St. Paul’s Medical Hospital.” Hindi na nakapagsalita pa si Xander dahil ibinaba na ng dalaga ang tawag. Agad namang napabangon si Xander dahil nais niyang puntahan ang dalaga upang kumpirmahin ang buong katotohanan. Wala na siyang pakialam sa litratong nakita niya at ang mahalaga na lang sa kaniya ay ang makita ang dalaga. Balak niyang asikasuhin ang mga papeles niya upang makalipad agad papunta sa US. Pagbaba niya sa may salas ng mansion nila ay nakita niya ang ama at ina na nakaupo at may kanya kanyang hawak na dyaryo. Nang makita siya ng ina ay matamis itong ngumiti. “You are the talk of the town. Kailangan nating maisaayos agad ang kasal dahil lahat ay excited para sa wedding of the year. Get ready, son. We will go to Bragantia’s mansion later para mamanhikan,” sambit pa ng ina. Napabuntong hininga naman si Xander. “Sorry but I will not marry that girl,” deretsong sambit niya sa mga magulang. “What?” hindi makapaniwalang tanong naman ng kaniyang ama na tumayo pa mula sa pagkakaupo. “Nakausap ko na si Allesia. At magpo-propose ulit ako sa kaniya. Iyon lang naman ang gusto niyo, hindi ba? Ang magpakasal ako,” seryosong sabi naman niya. “Niloko ka na pero babalikan mo pa?” dismayadong sabi naman ng kaniyang ina. Mabilis namang umiling si Xander. “Hindi niya ako niloko, Ma. Kinailangan lang niyang lumayo muna upang magpagamot.” “No. Si Yanissa ang pakakasalan mo, Xander,” maawtoridad namang sambit ng kaniyang ama. Pagak namang napatawa si Xander. “As long as may pakakasalan ako, wala tayong dapat pag-usapan, right? And I still choose Allesia. Siya lang ang pakakasalan ko.” “Pero hindi ka niya mabibigyan ng anak. Hindi ka magkakaroon ng tagapagmana!” galit na sambit naman ng kaniyang ina. Bahagyang natigilan si Xander at kumunot pa ang kaniyang noo. Hanggang sa unti unti niyang ma-realize ang ibig sabihin ng kaniyang ina. “You knew. Alam niyo ang dahilan ng pagtanggi at paglayo sa akin ni Allesia,” hindi makapaniwalang sambit pa niya. “Yes. At alam mong ang anak ang mahalaga sa pamilya natin sapagkat hindi tayo maaaring mawalan ng tagapagmana. Kaya hindi mo pwedeng pakasalan si Allesia dahil hindi niya maibibigay ang kailangan ng pamilya natin,” deretsong sagot naman ng kaniyang ina. Pagak na napatawa si Xander habang pumapatak na naman ang luha niya. “You know what? I really can’t stand this family,” ang tanging nasabi na lamang niya. Hindi niya akalain na tanging ang tagapagmana lamang ang mahalaga sa kaniyang mga magulang. Ni minsan ay hindi inisip ng mga ito ang kaniyang nararamdaman. Tila hindi anak ang tingin sa kaniya ng mga ito kundi isang taong pagpapasahan lamang ng mga negosyo ng pamilya Adler. “Whether you like it or not, you will marry Yanissa,” walang emosyong sambit naman ng kaniyang ama. “Naipaglaban ko si Allesia noon, at magagawa ko ulit iyon ngayon,” mariing sambit naman niya. Mabilis na napatingin si Xander sa ama nang makarinig siya ng pagkasa ng baril. Bahagya pa siyang nagulat nang makitang nakatutok na sa kaniya ang baril ng ama. Hindi na siya nagugulat na may ganitong gamit ang ama sapagkat ito pa nga ang nagturo sa kaniya kung paano iyon gamitin. Ang ikinagulat niya ay tinututukan siya ng ama at wala namang reaksyon ang kaniyang ina. “What Dad? Papasabugin mo ang ulo ko? Mas mabuti pa nga siguro iyon kaysa ipakasal niyo ako sa Yanissa na iyon,” matapang naman niyang sambit sa ama. “Sinasagad mo talaga ang pasensya ko, Xander,” nakangising sambit naman ng kaniyang ama. Ngumisi lang din si Xander at saka tumalikod sa ama. Humakbang siya palabas ng bahay dahil buo na ang desisyon niyang ipaglaban ulit si Allesia. Hindi na siya papayag na ipakasal pa siya sa iba dahil nalaman na niya ang tunay na dahilan ng dalaga, and it is acceptable for him. Ngunit isang putok ng baril ang nakapagpatigil kay Xander. Nakaramdam siya ng panghahapdi sa kaniyang kanang tainga kaya bahagya niya iyong hinaplos. Dumaplis ang bala ng baril ngunit natamaan nito ang pinakagilid ng kaniyang tainga kaya nagdudugo ito ngayon. “Huwag mong hintayin na ipatama ko sa ‘yo mismo ang bala ng baril ko,” may pagbabantang sambit pa ng kaniyang ama. “Xander, kilala mo ang ama mo kaya kung ako sa ‘yo ay hindi na ako aalis pa,” narinig naman niyang sambit ng ina. “Maaaring makaligtas nga sa sakit niya si Allesia, ngunit hindi niya kakayanin na makaligtas sa bala ng baril ko, Xander. Kaya mag-isip isip ka. Once you go outside this house, I will hunt you and your girl. And you will never like what will I do to the both of you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD