YANISSA'S POV Mabilis na lumapit si Xander sa lalaki at hinawakan ito sa leeg. Tila nahirapan namang huminga ang lalaki dahil doon habang ako ay nanatili lang na nakatayo at nakatingin lang sa kanila. "Sino ang mga taong tinutukoy mo?" galit na tanong ni Xander. Literal na nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil sa boses ni Xander. Halatang galit na galit at gigil na gigil siya sa lalaki. Sanay na ako sa Xander na laging mainit ang ulo, ngunit ngayon lang ako natakot ng ganito sa kaniya. Tila anumang oras ay kayang kaya na niyang bawian ng buhay ang lalaki. "X-xander," pagtawag ko sa kaniya. Mabilis niyang binitawan ang lalaki. Napaubo naman ang lalaki dahil sa pagkakasakal sa kaniya ng "asawa" ko. Naglakas loob akong lapitan ang lalaki na kahit nanginginig na ang buong katawan ko ay na

