YANISSA'S POV Pagkarating namin sa mansion ay naghihintay na nga sa amin ang mga magulang ni Xander. Kapwa sila nakaupo sa may salas na tila naiinip na sa paghihintay sa amin. "Kilala na ng lahat si Yanissa. Hindi ba't sinabi kong huwag muna?" Ito agad ang bungad sa amin ng ama ni Xander. Biglang bumilis ang t*bok ng puso ko sapagkat ramdam na ramdam ko ang galit ni Tito Richard dahil sa nangyari. Medyo nagtaka naman ako dahil buong akala ko ay nagpaalam muna si Xander sa kaniyang mga magulang bago nito ipangalandakan sa buong lugar na ako ang asawa niya. Knowing Xander, alam ko namang sumusunod pa rin siya sa mga magulang niya kahit na puro reklamo ang naririnig ko sa kaniya. "Para saan pa na itago natin siya? Hindi ba't kilala na rin naman siya ng mga kaaway," sagot naman ni Xander.

