“Hi.” Mabilis na napalingon si Yanissa nang marinig ang boses ni Leandro. Dahil sa ilang beses na silang nakapag-usap ay alam na alam na niya ang boses nito. Nakangiti sa kaniya si Leandro, malayong malayo sa tinging ibinigay nito sa kaniya kanina nang makarating siya ng clubhouse. “How are you?” dugtong na tanong pa ng binata sa kaniya. “I’m fine. Ikaw kumusta? Inaaway ka pa rin ba ni Xander?” balik tanong naman niya. Ang huling pagkikita kasi nila ay sa resort pa noon kung saan nasuntok ito ng kaniyang “asawa” na si Xander. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na makausap ulit ito kaya hindi niya alam kung ano nang nangyari sa binata. Ang totoo ay nahihiya rin siya dito dahil alam naman niyang kasalanan niya kung bakit nagkaaway ang magkaibigan. Bahagya namang ngumiti si Leandro s

