Buong akala ni Xander ay makakapag-relax siya kahit papaano sa Magnate’s Clubhouse. Ngunit bahagya siyang nagulat nang mag-ring ng malakas ang kaniyang cellphone. Mabilis niyang tiningnan ito at kumunot ang kaniyang noo nang makitang si Allesia ang tumatawag. Tiningnan muna niya ang mga kasama na kapwa abala sa mga kani-kanilang ginagawa bago niya sagutin ang tawag. Humakbang na rin siya palayo upang walang makarinig sa pag-uusapan nila. “Babe,” bungad niya nang sagutin ang tawag. “Babe, I know this is not the right time, but I can’t sleep. Is it true? She was exposed as your wife?” malungkot na tanong sa kaniya ni Allesia. “Yes, Babe. Mabilis na kumalat ang balita,” seryosong sagot naman niya. Inaasahan na niyang malalaman iyon agad ni Allesia. Hindi lang niya akalain na tatawag ito a

