Matapos na bumili ng singsing ay kumain pa sa isang sikat na fine dining restaurant ang mag-asawang Adler. Hindi ito nakatakas sa paningin ng ibang tao kaya mabilis na kumalat ang balita. Nagkaroon na ng mukha ang napangasawa ni Xander kaya naman kilalang kilala na si Yanissa ng lahat bilang isang Adler. Ito rin ang naging usap-usapan sa buong lugar nila. Matapos na kumain ng dalawa ay nagpasya na si Xander na bumalik sila sa opisina. Marami pa kasing nakaabang na trabaho para sa dalawa kaya naman hindi na rin tumutol pa si Yanissa doon. Hanggang ngayon din kasi ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga ikinilos ng kaniyang “asawa”. Habang tinatahak ng nila ang daan pabalik sa opisina ay nakatitig lamang si Yanissa sa dalawang singsing na nakasuot sa kaniyang ring finger. Nakailang ulit di

