Literal na nanlaki ang mga mata ni Yanissa dahil sa rebelasyong sinabi ni Xander. Hindi nila ito napag-usapan kaya naman hindi niya malaman kung anong ire-react. Deretsong nakatingin lang siya kay Xander na may mumunting ngiti sa mga labi nito. "Sir? Si Issa Monreal po 'yan. Sa pagkakaalam ko po ay Bragantia ang napangasawa niyo," kinakabahang sabi pa ni Lalaine na ikinailing na lamang ni Yanissa. "I know. And for your information, her true name is Yanissa Ilithaya Bragantia-Adler, my wife," malakas na sambit ni Xander. Lumapit pa ang binata kay Yanissa at tahasan nitong hinawakan ang kaniyang kanang kamay. Hindi pa ito nakuntento dahil masuyo pa nitong hinalikan ang kamay ng dalaga. "What do you think you're doing?" galit na bulong niya kay Xander. "What?" gulat na tanong naman ni La

