[5] Sakura University

1956 Words
[5] Sakura University ---- Michiko's Pov Nandito kami ngayon sa NAIA Airport. Ngayon na kasi ang araw na pupunta si mama sa Japan para sa negotiation between Russian Mafia and Natsume-gumi. "Take care mom." sabi ko rito at niyakap siya ng mahigpit. Hinaplos naman nito ang buhok ko. "I will Michi. Well then Selena, Michi enjoy your first day." nakangiting sabi nito sa amin. Nagkatinginan naman kami ni Selena sa isa't isa at napangiti na lang rin. "Yes mom. We will." "Take care tita." said Selena. Tinignan ko si Kuran na nasa tabi ni mama. Yumuko lang ito sa akin biglang pagtugon. ---- Pagkasarado ng pinto ni Kuran ay kaagad ko siyang tinawag ng hindi lumilingon. "Kuran." "Yes, my lady." "Don't let your guard down Kuran. I know about these people. Protect the Queen no matter what." Huminto muna ako at huminga ng malalim. "Don't hesitate to call me when the situation is getting worst." matalim kong dagdag. "I will, Empress." ---- "Well goodbye for now." For the last time I hugged mom. Napabitaw lang ako nang tawagin na ang flight nila mama. "We're going now, my lady." "Yes Kuran." Pinagmamasdan ko lang silang naglalakad palayo sa amin at papunta sa plane na sasakyan nila hanggang sa natabunan na sila ng ibang mga pasahero. "My lady. We're leaving." Napatingin ako kay Bob. Tumango na lamang ako sa kanya. Nakatingin lang ako sa bintana habang papunta kaming Sakura University. "Michi are you okay?" tanong sa akin ni Selena habang nakalingon. Nakaupo siya sa may passenger's seat. "Yes. I'm fine." sagot ko rito at nginitian siya. Nang makontento si Selena sa sagot ko ay hindi na ako nito muling kinausap pa. "We're here." sambit ni Bob at pinark na agad niya sa tabi ang limou. Pansin kong marami narin ang mga estudyante sa labas ng eskwelahan. "This is it Michiko. Make friends!" bulong ko sa sarili ko. Lumabas na ako ng sasakyan ng pagbuksan na ako ni Bob ng pinto. Ang daming estudyante pero isa lang ang nakakuha ng atensyon ko. Zero? "Michi. Are you ready?" "Yeah. Let's get it on!" mapanghamon kong sagot. Ngumiti na lamang siya sa akin. Habang naglalakad kami maraming napapatingin sa amin at nagbubulungang mga estudyante. "Masanay kana Michi." bulong sa akin ni Selena. Okay? Ganito pala dito? Maayos na sana ang entrance namin kaya lang may humarang na tatlong babae sa amin na nasobrahan ng mga kolorete sa mukha. Ang kakapal. Hello? Daylight pa po. Baka gusto niyong bawasan man lang? Nagmumukha kayong mga clown at kamatis. "Oh! We meet again." mataray na sabi nung pinakamakapal ang make-up. Teka, parang pamilyar sa akin ang tatlong 'to ah? "Who are you?" I asked her with my monotone voice. "Oh? So you already forget us?" mataray nitong sabi sa akin sabay pamewang. 'Yung dalawa naman na kasama niya akala mo nakakita ng bibingwitin sa taas. Ang taas ng kilay! "Excuse us. Dadaan kami." matigas na sabi ni Selena. "The Solo Vs. The Trio G." sabi nung malapit sa aming estudyante. "Oh? So you are the infamous Solo huh? Selena is the name right?" sabi naman nung isang babae habang may nilalaro itong hilo. Sobrang nipis nun. Hindi ba nasusugatan ang kamay nito? Ibang klaseng sandata. Nakakabilib. Pero pansin kong hindi ito napapansin ng ibang estudyante. Well, hindi naman kasi ito kitain. "Yes I am, b***h! Now get out of our way now!" Whooh? Is this Selena? I don't get the Solo and the Trio G. thingy, though. Well, marami naman akong oras para malaman 'yun. "Tsk! We're not yet done! Let's go gals." sabay irap sa amin at walkout like a cat? Okay? Now I remember those three girls. Sila 'yung binigyan ko ng punched sa EK. So dito pala sila nag-aaral. No wonder why. They're not ordinary. So tama nga ang hinala ko sa eskwelahang 'to. Unang kita ko palang sa pangalan nito. "Tsk. Mga bruhang 'yun. Lets go get our schedule na Michi." tumango nalang ako kay Selena. ---- "So, what's your first schedule?" Tinignan ko muli 'yung maliit na papel na binigay sa akin nung registrar. "It's says here. Room 14 Literature 1." Me and Selena have the same course. We're both Bachelor of Arts in Communication. So iisa lang kami ng building, basically. "Okay. Kita na lang tayo later. Bye." paalam nito. Tapos kumaway na ito sa akin. Ako naman nagsimula nng hanapin ang room ko. Napatigil ako. Geez. I forgot to ask Selena. Wala pa akong kaalam-alam sa mga buildings and rooms dito. Hindi ko pa nalibot ang buong lugar na 'to. "Excuse me ms. You seem troubled?" Napatingin naman ako sa taong kumausap sa akin. Okay? A silver haired guy. Nice! "Ah. Yeah. Alam mo ba kung saan ang room 14?" tanong ko. Napangiti naman ito sa akin. Okay? Whats wrong with him? "Tara sabay kana sa akin. Pareho pala tayo ng pupuntahan eh." I gave him a nod and smiled. Sa wakas narating narin namin ang classroom. 'Yung kaninang maingay na classroom biglang nagsitahimikan at ang lahat ng mga mata ay nakatingin sa amin. "Blockmate natin sila?" narinig kong tanong nung malapit sa may pintuan. "Ano sa tingin mo? Nakatayo sa harap ng room diba?" sagot naman nung katabi niya. Marami na akong naririnig na bulungan about us. Anong problema ng mga 'to? Nabigla ako ng hinawakan ni silver guy yung kamay ko. Geez. Puputulin ko ang kamay nito mamaya! Remind me guys! How dare this stranger held my hand?! Nang makapasok na kami pumili na agad 'yung guy ng seats namin. 'Yung totoo? Feeling close to si kuya? "Hai." sabi nung babaeng nakaupo sa harapan ko. Ngumiti nalang ako sa kanya. This is it. "What's your name? I'm Zoe nga pala." sabi niya at inabot nito sa akin ang kamay niya. Tinanggap ko naman ito at nakipagshakehands sa kanya. "Michiko. Nice to meet you." bigla naman siyang napanganga. "You're a Japanese, am I right?" Ako lang ba o parang kumikinang talaga ang mga mata niya? Weird. "Ah. Yes?" alangan kong sagot. Hindi ko alam pero tumayo siya at pumunta sa harapan. Anong gagawin nito? "Guys. Listen!" 'Yung mga blockmates ko naman biglang napatingin sa kanya. "WE HAVE A JAPANESE BLOCKMATE! Isn't it great?" Okay? I never saw it coming. Whats wrong with this girl? *Whooosh* Wala siyang reaction na nakuha sa mga ka-blockmates namin. Kung sa anime pa ito, hangin na dumaan with lots of rolling leaves 'yung nakuha niyang reply. "Tsk. Yun lang? Ano naman ngayon? Umalis ka nga dyan! Para kang taga buk-id!" sabi nung curly haired girl. Naawa naman tuloy ako bigla kay Zoe. Marami na ang nagtatawanan at kinukutya pa siya. "Alis nga sabi eh!" tapos bigla siyang tinulak nung curly girl ng malakas. Tuloy napaupo siya sa sementadong sahig. Tatayo na sana ako para tulungan siya kaya lang may tumulong na sa kanyang isang lalaking kapapasok lang ng classroom. "Are you okay?" tanong nito at tumango lang si Zoe. Ang sama ng tingin nung guy sa babaeng curly haired. Natakot naman 'yung babae at biglang humingi ng tawad rito. Bigla naman akong kinausap nitong katabi ko. "Nabasa mo na ba ang manual natin?" Ngayong nabanggit niya 'yan. "No. Not yet." "Oh. I see. Dapat basahin mo na." Ngumiti ito sa akin. Isa pa tong weird. "I'm Clovis Lancelot, by the way." "Michiko Natsume." Agad naman siyang natahimik. At parang namumutla pa? "Hey are you okay?" 'Yung kaninang namumutla na mukha niya napalitan ng pamumula saka tumango. "Good morning, class." Napatingin ako sa harapan. Siya pala ang professor namin? Akalain mo nga naman. "So. Alam niyo naman ang ginagawa tuwing first day of school, right?" Sumagot naman ng 'Yes' yung mga kablockmates ko. Pero karamihan sa kanila ay naboboringan na sa cliche beginnings. "Getting to know each other stage. It is important. Be quiet all of you. So I'm the one who will introduce first. I'm Carollette Finning, you can call me Ms. Carol for short. I'm your department head. So, you can count on me regarding this class." nakangiti nitong pakilala. Carollette Finning! Bingo! Then a playful and devilish smile appears on my face. Akala ko pa naman maghahanap pa ako yun pala ito na ang magpapakita sa akin. How lucky I am. "Now your turn. Begin at the back." sabay turo ni Ms. Carol sa side namin. Kaya tumayo 'yung girl. Hindi na kailangan pang pumunta sa harap. Pang-lima ang seat ko. Gusto ko kasi malapit sa bintana. Pagkatapos ng first three na blockmates ko si Clovis na ang sumunod. "Hello. I'm Clovis Lancelot. 18 years old. Kung nagtataka man kayo sa kulay ng buhok ko. Inborn talaga 'to." sabay ngiti nito ng malaki labas ngipin. Nagtilian naman yung mga babaeng higad na ka-block namin. For me, Clovis looks like Zero in V.K. ( Those otaku will only know. ) Tumayo narin ako. "Ohayo gozaimasu minna. Michiko Natsume- desu. Nice to meet you all." aniya sabay bow ko sa kanila. It's a traditional act in Japan and a sign of respect. "So she's the Japanese, huh?" rinig kong sambit nung curly haired. "M-ms. Natsume?" Napatingin naman ako kay Ms. Carol. Seem that she knew me. "Yes, Ms?" "Ah. N-nothing. W-well, is your hair natural like Mr. Lancelot?" Ngumisi ako sa kanya. I can smell your fear Ms. Carol. You can't hide that from me. "Yes. Fortunately it is. It's inborn and natural." sagot ko rito at binigyan ko siya ng malapad na ngiti. Ang bilis mo namang magparamdam. [ Next Target Name: Carollette Finning Age: 25 years old Location: Philippines Current Work: Teacher @ Sakura University ] Finning Industry was the one who's at fault. Now Russian Mafia are there to settle things. Yung mga armas kasi na dapat ay matatanggap na nila ay hinold at kinuha ng F.I. Tuloy hindi nakarating sa mga Russian. Epal kasi sila. Tuloy nandun si mama para pag-usapan ang nangyari at resolbahin ang problema. Clovis' Pov "Protect Ms. Carollette Finning, son. No matter what it means." Bakit ganito? Kahit na alam ko na kung sino ang kalaban parang gusto ko ng umatras? Bakit ako pa kasi?! Tinignan ko muli si Michiko sa tabi ko. Ang amo ng mukha niya pero ang totoo she's the bloodhound empress of Natsume-gumi. Nakakainis! Tinignan ko naman si Ms. Finning sa harapan. I can smell her fear at sigurado akong ganun rin si Michi. Walang makakaligtas sa kanya. Tsk. Bahala na nga. Natapos ang pagpapakilala ng lahat at agad na kaming dinismiss ni Ms. Finning para sa araw na ito. Para makapaghanda rin kami sa orientation na gaganapin mamaya. Nakita kong tumayo rin si Michiko. Alam ko na kung ano ang binabalak niya. "Oy, Michi! San ka?" tanong ko sa kanya. Bigla namang nagsalubong ang mga kilay niya. Oh-uh! Did I say something wrong? "Who the hell grant you permission to call me Michi?" Napalunok tuloy ako ng laway ng wala sa oras dahil sa lamig ng boses nito. "Ah. Bawal ba?" parang tanga kong tanong sa kanya. Malamang bawal! "Tsk!" sabay alis nito. Wala naman akong nagawa kundi sundan nalang siya pero lintek lang asan na 'yun? Ibang klaseng babae. "Hey, Clovis." Tinignan ko lang ang babaeng tumawag sa akin. Teka, ito 'yung babaeng kumausap kay Michi kanina ah? Zoe ata pangalan nito. "Nakita mo ba si Michiko?" tanong nito. "Oo. Nakaalis na." sagot ko. Bigla naman siyang napakamot ng ulo. "Sayang. Sige bye." sabay takbo nito. Aiish! Si Michi pa pala. Asan na kaya yun? Pero alam ko naman na wala pang dadanak na dugo dito. Ang sabi-sabi wala na raw ang bloodhound empress at si Michi daw mismo ang pumatay rito. Magulo ba? Well bahala kayo. Basta wag niyo lang galitin si Michi.ko. Kung ayaw niyong makita ang isa pang katangian niya. Ang pagiging Bloodhound Empress!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD