[3] Bonding with the Devil

2403 Words
[3] Bonding with the Devil ---- Selena's Pov Napahinga ako ng malalim. Isang araw na naman ang nagdaan mula ng manatili ako dito sa mansyon ng mga Natsume. Masasabi kong maayos naman ang lahat. Mababait at mapagkalinga naman ang mga katulong sa mansyon even Bob, the ray ban guy. Pero.. Yesterday was a bit different. ---- "Selena!" someone shouted. Napatakip ako ng tenga gamit ang unan. Ang aga-aga pa nambubulabog na. "Selena wake up or else I will kill you!" bulong nito. What? Napabangon kaagad ako ng mapagsino ko ang boses na 'yun. "M-michi?!" Geez! Her face is too serious. Huwag mong sabihing? Lumapit naman ito sa akin ng nakangisi. Ako naman itong atras ng atras hanggang sa dead end na. "M-michi!" tawag ko muli rito. Nang makalapit siya sa akin meron siyang binulong na nagpaalarma ng buong sistema ko. "I.will.kill.you!" Dahan-dahan at may diin ang bawat salita niya. The heck? Ang mga balahibo malapit sa tenga ko ay nagsitayuan. Nanlalamig ang buo kong katawan. Tinakasan na yata ako ng sarili kong kaluluwa. "Hahahaha!" Eeeh? "Hahahaha. You're pale!" Grabe 'tong babaeng 'to. Ang lakas ng trip! "Hoy, Michi! Tumigil ka nga!" inis kong sabi sa kanya. Geez. Wag siyang magbiro ng ganun. Devil pa naman siya. "Hahaha. W-wait! Let me laugh first, okay?" Tawa parin ito ng tawa. Arrgh. Kung hindi lang siya si Michi baka kanina ko pa 'to sinapak. "Are you done?" bored kong tanong rito. "Yes. Hahaha. Thanks for waiting." Napailing nalang ako. Grabe kalog din pala ang isang 'to. May demonyo din palang kalog? Ano 'yun? "Ano pala kailangan mo, huh?" seryoso kong tanong rito. "Selena. Lakad tayo ngayon. Please?" pagsusumamo nito. At siya'y nag-puppy eyes sa akin mga dre! Ngayon naman may demonyong marunong mag-please at may nalalaman pang beautiful eyes? Ano 'yun? Gosh! I can't handle this anymore. "Para san naman?" tanong ko sabay bangon at tinungo ang terrace. "Wala lang. Gusto ko lang. Bored na kasi ako rito sa mansion." parang bata niyang sabi. Okay? A demon is childish now, eh? Nakakaloka na 'to! Expect the unexpected nga naman sabi nila. Tumingin ako ng deretso sa labas. Kakahuyan ang dominante sa buong lugar. Makikita mo mula dito ang Pavilion na palaging tinatambayan ni Michi. Huminga muna ako ng malalim saka ako sumagot. "Hindi ako pwede ngayon, Michi." Pero kapag minamalas ka nga naman, oh? Bigla akong nakaramdam ng kaba. Geez. Ganitong-ganito rin 'yung naramdaman ko noon. Paglingon ko kay Michi na sana hindi ko nalang ginawa. Para siyang nagiging demonyo. Literally. Pero maganda parin naman. Oh noes! "M-michi?" tawag ko sa kanya ngunit nakatungo lang ito. Hindi kumikibo. Nakayuko lang siya. Ikaw naman kasi Selena, eh! Anong hindi ka pwede? May ensayo kasi kami ni Bob ngayon kaya ganun. Naman oh! Bad timing. "Selena." Bigla akong napatayo ng tuwid pati mga balahibo ko nang tawagin niya ako gamit ang malamig niyang boses. "Kailan ka pwede?" Napalunok ako ng laway. "Ah. B-bukas M-michi." pagkasabi ko nun nag-angat agad siya ng ulo. Now I see the eyes of Michi. The cold one. Naglakad na ito palayo. Sinundan ko lang siya ng tingin. Nang makarating siya sa harap ng pinto ng kwarto ko bigla siyang lumingon sa akin. "Tomorrow then!" malamig niyang tugon. ---- Waaaah! Napakammot ako sa buhok ko. Kapag naaalala ko yung nangyari kahapon kinikilabutan talaga ako. Tayming naman kasi tong si Bob the dog e! Naisipan pang mag-ensayo. Tapos hindi lang 'yun ang nangyari kahapon. Mas nakakakilabot pa. Haays. ---- "Lady Selena!" Napatingin naman ako kay Martha, one of the maids. At kung hindi ako nagkakamali, kapatid ito ni Bob. I'm not sure though, hindi naman kasi sila nagpapansinan kapag nagkikita o di kaya'y nagkakasalubungan dito sa mansion. "Bakit?" tanong ko. Kakadating lang namin ni Bob galing sa pag-eensayo. "Mauna na ako." pagpapaalam ni Bob. "Oh." Umalis na ito at tinungo ang direksyon papuntang hardin. Kita niyo hindi man lang niya pinansin si Martha. "Lady Michiko is.. Agad akong napabaling kay Martha pagkabanggit sa pangalan ni Michi. Agad akong kinabahan sa possibleng nangyari dahil sa tono na ginamit nito. "Lady Selena follow me." Sinundan ko nga si Martha. Papuntang likod mansyon. "Nandyan siya sa mini forest na yan. Tska.. Hindi ko na pinatapos si Martha magsalita. Agad akong tumakbo papasok ng mini forest. Masukal rin ang gubat na ito at may pagala-gala rin daw ditong black cat. Yun ang sabi sa akin ni Michi dati. Pero sa awa naman, hindi ko pa nakakasalubong ang black cat na 'yun. "Michi! Michi!" sigaw ako ng sigaw pero wala paring sumasagot. Kaya lang may narinig akong mga kaluskos sa hindi kalayuan sa kinatatayuan ko ngayon. Kaya napagpasyahan kong puntahan ito. Baka kasi nandun 'yung black cat. At ginawa ng pulutan si Michi. "Michi?" tawag kong muli. Nang marating ko ang lugar nanlaki ang mata ko sa naabutan. What the heck? "Surprise Selena." sabay-sabay nilang sabi. Naabutan ko lang naman sila sa Pavilion. Si Michi na may hawak na confetti at si tita as usual nakatakip 'yung pamaypay sa mukha niya. Nakita ko rin si Bob na nakangisi sa akin at lahat ng dogs ni tita, butlers and maids. Pati si Martha. What the hell is happening here? "Happy 13th day of staying at Natsume's Mansion, Selena." sabi sa akin ni Michi ng nakangiti. "A-ah." "HAHAHAHAHAHAHA!" tawa nilang lahat. ---- Sabi ko naman sa inyo nakakapangilabot! Akalain mo yun?! Marunong pala silang tumawa? Well, given na 'yun dahil tao sila but they're partly. If you know what I mean. "I'm done, Selena." aniya Michi. Tumayo na ako at nginitian siya. Ngayon na 'yung araw na pinangako ko sa kanya. "Saan ba ang magandang pasyalan?" tanong niya. "Akong bahala sa'yo." nakangiti kong wika saka ko siya hinila palabas ng mansion. Michiko's Pov I was brought in a familiar place. Parang nakapunta na ako rito noong bata pa lang ako. It was a beautiful place and a happy one. "So anong masasabi mo?" tanong ni Selena. "The name explains it all." Nilibot muna namin ni Selena ang buong lugar. Marami akong nakikitang lovers in Japan. Sweet. "Saan tayo?" Selena asked me. Hinila ko nalang siya papuntang Dodgem. "Here!" sabi ko ng naghahamon sa kanya. "Here? Okay then. Let's get it on!" Napangisi ako. Nakuha naman niya agad ang ibig kong sabihin. S, pumili na kaagad kami ng car. Me, a purple one and Selena, a black one. Nang makasakay na kami. Ngumiti kami sa isa't isa. "Ready?" tanong ko. "Bring it on!" panghahamon pa nito. Nagsimula na nga ang munti naming karera. Nakikipagsabayan si Selena sa akin. I can say she's a good driveress nah but I'm better. Sa gitna ng karerahan namin ay may biglang humarang sa daan ko. Buti na lang mabilis akong pumik-up at kaagad tinapakan ang preno. "What the hell?" inis kong sabi rito. "Hi, Ms. Purple." Arrgh! Who's this punk guy? "Get out of the way now!" diin kong pahayag kaya lang nagsmirk lang ito sa akin. I'm gonna kill this guy. "I will but first give me your contact number." What? This guy is a total jerk! Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon. Binangga ko ang car niya ng pagkalakas-lakas. Bahala na kung magkandasira-sira ang car na ito. Tss. "Hahahahaha. What a face dude!" biglang singit ni Selena. Nandito na pala siya. Tawa lang siya ng tawa. 'Yung guy kasi nagulat sa ginawa ko. Pssh. Nanlaki lang naman 'yung mga mata niya at tinakasan na yata ng dugo ang buong mukha sa putla nito. That must scares him. Heh. Serves him right! Nawalan na ako ng gana kaya umalis na kami doon ni Selena. Sinita pa nga kami nung operator tuloy nawalan ito ng trabaho. Hindi pa ako nakilala ng tanga well hindi ko siya masisisi. Iba ang kinikilala nilang amo in the first place. "Calm down, Michi." nakangising sambit ni Selena. "Kalma naman ako ah?" sagot ko sa kanya. Itinaas niya 'yung coke in can niya. Pagtingin ko sa akin. Geez. Nayupi na siya at basa na ang kamay ko. Okay, halata ako masyado. "Halika." Bigla niya akong hinila. "Hey! Saan tayo?" I asked her. Kanina pa namin nilakad ang Midway boardwalk. Nadaanan na namin ang Anchors Away. Sa wakas tumigil narin siya. "Sasakay tayo dyan!" May tinuro siya kaya napatingin din ako doon. Holy! Moly. Grabe ang taas! Nakakalula naman. "Now. Let's go?" tanong niya kaya tumango nalang ako. Pagkarating namin doon. Ang dami ng nakasakay buti may tatlong bakante pa. Nakapwesto na kami ni Selena. Aangat na sana kaya lang may humabol pang isa. Pagtingin ko. "It's you!" "Hi, Ms. Purple." sabay kindat nito sa akin. Inirapan ko nalang siya at hinanda na ang sarili. Maya-maya lang tinaas na kami. Pagtingin ko sa baba feeling ko masusuka ako! Hanggang sa marating na namin ang pinakatuktok nitong tower. "Here we go EKstreme Tower Ride!!" narinig kong sigaw nung guy. "Kyaaaaaaaaah!!" sigaw ko. Hindi man lang ako nabigyan ng go signal. Hanggang sa natapos rin. Pakiramdam ko talaga masusuka na ako. Pagkalapag namin sa baba. Agad akong tumakbo ng mabilis. "Wait, Michi. Where are you going?" sigaw ni Selena. I don't have time to slowdown, though. Tumatakbo ako habang nakatakip ang kamay ko sa bibig ko. Para hindi ako masuka ng tuluyan pero kapag pinaglalaruan ka nga naman ng tadhana wala parin akong makitang comfort room kaya sa may puno nalang ako sumuka. Ito lang kasi 'yung nakikita kong pwedeng sukaan. Alangan naman sa semento diba? Tsaka laway lang naman ang isinuka ko. "Eewww!" "Gross!" "Let's go, gals. Walang manners!" Pinunasan ko ang bibig ko gamit ang likod ng palad ko at humarap sa tatlong babaeng paalis. "Hey." pagkuha ko ng kanilang atensyon. "What?" mataray na sabi nung tomato girl. "What did you just say?" tanong ko at tinitigan ito ng masama. Nagkatinginan naman silang tatlo at biglang ngumisi. "Eewww!" sabay pamewang ni girl number 1. "Gross!" sabay hand gesture naman nitong girl number 2 ng check! Hinintay ko yung sasabihin ni tomato girl. "Walang manners!" Okay? Napatawa ako ng mahina. Gusto pala talaga nilang dalawin na naka-itim, huh? Pwes. Pagbibigyan ko sila. I give them a punch that a normal person can't bear the pain. Oo, pati babae pinapatulan ko. Lahat papatulan ko maliban sa mga walang laban pero ang tatlong 'to. I can sense them. Hindi sila mga ordinaryong babae lang. Ngunit hindi ibig sabihin nun na hindi na sila masasaktan. Napaupo silang tatlo at ngayo'y namimilipit sa sakit. It should be. It's a 'Bear punch' after all. Iniwan ko na sila. Nagpapanic na kasi 'yung mga tao at marami na ang mga matang nakatingin sa akin ng masama. Heh. That's right. You should fear me. Naglalakad lang ako hanggang sa mapadpad ako sa Victoria Park. Kaya umupo muna ako at hinayaang kumalma ang aking sarili. You can't shed blood here, Michiko! You made a promise and look around you! Happiness and love are all over the place. You can't taint it. Napabuntong-hininga ako at ipinikit ko nalang ang mga mata ko. Third Person's Pov "She's stronger than I expected." sabi ng isang lalaking nakasuot ng itim na sumbrero habang pinagmamasdan ang eksena. "She's the empress! What do you expect?" nakangising wika naman ng kanyang kasamang babae sabay sindi ng sigarilyo. "Wala ba tayong gagawin?" singit ng isa pang lalaki sa dalawa. Wala itong sagot na nakuha kaya napailing na lamang siya at napasandal nalang sa matabang puno habang nakapamulsa. Sa kasalungat naman na bahagi meron ring nagmamasid sa kanilang tatlo at pagkatapos ay nilisan ang lugar matapos umalis ang babaeng nanuntok sa tatlong babae. Selena's Pov Where are you Michi? Grabe kanina pa ako naghahanap sa kanya. May nadaanan pa nga akong kaguluhan sa may Brooklyn Place at dahil sa hindi ko siya macontact at mahanap napagpasiyahan kong tawagan si Tino. Si Tino ang palagi kong nalalapitan. [ "Hai, baby Selena. Napatawag ka?" ] Tss. Great! "San ka ngayon?" [ "Bakit baby? Miss mo na ako no? Alam kong gusto mo rin ako eh. Hindi mo lang sinasabi." ] Napamasahe ako sa sentido ko. Relax, Selena. You called him firs. It's your fault. "Hoy! Magtigil ka nga! Kapal mo!" [ "Aray naman. It hurts, baby Selena." ] "Pwede ba Tino? Act at your age will, ya?" Natahimik naman siya sa kabilang linya. Hala? Am I too much? [ "Okay. Ano pala kailangan mo?" ] Geez. That voice. The serious Tino. I smiled. "Punta ka naman dito sa EK, oh? Kailangan ko ng tulong mo." [ "EK? What a coincidence. Nandito rin ako ngayon kasama ko sina Tina at Xander." ] Oh? "Saan pala kayo?" [ "Nandito kami sa Brooklyn Place." ] "Okay." Binaba ko na ang tawag. Anong ginagawa nila dito? Aiish! Mabuti narin 'yun matutulungan nila ako kaagad. ---- "Selena. Here." Napatingin ako sa pwesto nila at napangiti. "Hai." bati ko sa kanila. "Hello, baby Selena." Napabuntong-hininga ako. Kailan kaya susuko ang lalaking 'to? "Stop calling me baby, will ya?" mataray na sabi ko sa kanya ngunit ngumisi lang ito sa akin. Napatingin ako kay Xander na nakatingin rin sa akin. "Yow!" bati ko at sumaludo. Nakabalik na pala siya rito sa Pilipinas. Kailan pa? "Yow!" Umupo ako sa tabi ni Tina. Tinignan kong mabuti si Xander. Ang laki ng pinagbago niya. Magkababata kaming apat. Ako, Tino, Tina at si Xander. Pareho ang trabaho ng mga magulang namin ng kambal maliban kay Xan. Pareho narin kaming ulila sa mga magulang ng kambal. Samantalang, kumpleto pa ang pamilya ni Xan. "So, Selena. Anong ginagawa mo rito? Sinong kasama mo?" automatikong napatingin ako kay Tina ng magtanong ito. "Ah. Kasama ko si Michi kaso nagkahiwalay kami." Asan na kaya ang babaeng 'yun? Tinignan ko muli ang cellphone ko. Nakalimutan ko si Michi saglit. Bigla kasing pumasok si Xan sa isipan ko. At uh-oh. Kailan pa ako nagkaroon ng maraming messages? Pag-open ng inbox ko. Geez. Isang thread lang ang pinanggalingan ng lahat. At 'yun ay walang iba kundi galing kay Michi. From: Michi Where are you? Selena! Hey! Answer your phone! I'm here at Victoria Park. Come here. Geez. Napatayo ako at dali-daling umalis. Kaya lang napahinto ako ng maalala na kasama ko pala sila Tino. Pagkaharap ko sa kanila. Nginitian lamang nila ako. Si Tina ay kumakaway. Si Tino ay pumapato. Tss. Nguso mo brad. Putulin ko 'yan eh. Napangiti ako. Si Xander naman sumaludo lamang sa akin. As usual. "Goodbye." sigaw ko sa kanila. At dali-dali kong tinungo ang daan papuntang Victoria Park. Wait for me, Michi. Papunta na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD