Alona UMAWANG ang labi ko sa sinabi ni Wallace. Nabibingi na yata ako at baka mali lang ang narinig ko. "A-Ano pong sabi nyo sir?" Lumingon sya sa akin at ngumiti. Matamis ang ngiti nya at mapungay ang mga mata na malagkit kung tumingin. "Ang sabi ko liligawan kita." Lalong nagwala ang puso at hindi magkamayaw sa pagtibok ng mabilis. Liligawan daw nya ako? Seryoso ba sya? "S-Sigurado po ba kayo sa sinasabi nyo sir?" "Yes sweetie." Nahigit ko ang hininga sa tinawag nya sa akin. Tinawag nya akong sweetie. Totoo kaya o pinagtitripan lang ako nitong amo kong mainitin ang ulo. Imposible ito. Baka nananaginip lang ako. Tumawa ako. Oo nga, pinagtitripan lang nya ako. Imposible ang sinasabi nya eh. Hindi ang kagaya nyang kilalang tao na nasa mataas na antas ng pamumuhay ang manlilig

