Chapter 25

2577 Words

Alona TILA hinihiwa ang puso ko sa iyak ni Wayne at sa tawag nya sa akin. Tumingin ako kay Wallace, Sir Melchor at Ma'am Jacinta na mga nakaawang ang mga bibig habang nakatingin sa amin ni Wayne. "Mommy.. mommy.." Umiiyak na sambit pa rin ni Wayne. Lumunok ako. "T-Tahan na Wayne, dito na si Yaya Lona." Hinimas himas ko ang likod nya. Unti unti naman syang tumahan pero mahigpit pa rin ang yakap sa leeg ko. Nag angat sya ng mukha at tumingin sa akin. Ngumuso sya at pinahid ng braso ang luha sa mata. Tila naman dinudurog ang puso ko sa hitsura nya. Tinaas ko ang kamay at pinalis ang luha nya sa pisngi. "Mommy.." Malambing na tawag nya sa akin. Parang may mainit na kamay ang humahaplos sa puso ko sa tuwing tatawagin nya akong mommy. "Dito na si Yaya Lona wag ka ng umiyak. Good boy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD