Wallace "YES papa, nakausap ko na si Congressman Reynoso. Pinadala ko na sa kanya ang isang daang sako ng bigas para sa relief pack." Tumingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan habang hawak ang cellphone na nakatapat sa aking tenga. Mataman akong nakikinig sa mga sinasabi ni papa sa kabilang linya. Galing ako sa opisina sa ricemill para kausapin si Congressman Reynoso. Hindi kasi makapunta si papa dahil tumaas ang blood pressure nya. Pagkatapos ng paguusap namin ni papa ay dinial ko naman ang numero ni Alona. Nangingiti ako habang naririnig ang ring sa kabilang linya. Kumislot ang puso ko sa pananabik na marinig ang kanyang boses. At wala pa ngang ilang segundo ay sinagot na nya ang tawag. "Hello." Napakagat labi ako ng marinig ang malamyos at malambing nyang boses na tila inaa

