Wallace TUMIIM bagang ako habang pinagmamasdan si Alona na kausap ni Gado. Hinithit ko ang sigarilyo at binuga ang usok pataas habang hindi inaalis ang mata sa dalawa. Kahit nandito ako sa ikalawang palapag sa balcony at may kalayuan ang dalawa ay malinaw ko pa rin silang nakikitang dalawa. Lalo na ang mga ngiti ni Alona. Si Gado naman ay pormal lang ang mukha. Hindi ko alam kung ano ang pinaguuspan ng dalawa pero hindi ko talaga gusto na nakikipag usap sya sa ibang lalaki. Naiinis ako at nangngingitngit sa selos. Gusto kong bugbugin ang mga lalaking lumalapit sa kanya. Pero nangako ako sa kanya na hindi na magiging mainitin ang ulo at makikipag away para magustuhan nya ako. "Daddy!" Tiningnan ko si Wayne na tinawag ako. Kumakaway sya sa akin habang may malaking ngiti sa labi. Ang isang

