Alona "KAILANGAN sumailalim sa bypass operation ang nanay mo sa lalong madaling panahon dahil may tatlong ugat syang barado. Dahil limitado lang ang kakayahan namin dito sa hospital ay sinusuhestiyon ko na ilipat sya sa mas malaking hospital na kumpleto sa kagamitan. At ngayon pa lang ay pinapaalam ko na sayo na malaking halaga ang kakailanganin mo." Sinabi ng doctor ang estimate ng halaga na kakailanganin sa operasyon ni nanay. Tila ako pinagbagsakan ng langit at lupa sa sinabi ng doctor na sumuri kay nanay. Hanggang sa magpaalam na ito at umalis sa tabi ni nanay ay nakatulala pa rin ako. Hindi biro ang halagang kailangan para sa operasyon ni nanay. At saan naman ako kukuha ng malaking halaga? Pero ayokong mahirapan si nanay lalo na ayokong mawala sya. "Mate, ano kamusta? Nakasalubon

