Chapter 56

2259 Words

Tatica MALAKAS ang kabog ng dibdib ko ng lumabas ako ng banyo hawak hawak ang pt. Nakaabang na sa labas ng banyo si tatay, Kuya Jomel at si Iyek na syang bumili ng pt sa botika. "Ano nak? Anong resulta?" Tanong ni tatay. "Positive ba o negative?" Si Iyek. "Magkakaroon na ba ako ng pamangkin?" Si Kuya Jomel na parang excited pa ang hitsura. Napalunok ako at nanginginig ang kamay na inabot kay Iyek ang pt. "Eeww ayoko ngang hawakan yan. May ihi mo yan no." Nakatikwas ang daliring umatras si Iyek. "Akin na nga." Si tatay ang kumuha ng pt at nanliliit ang matang tiningnan ito. "Ano nga ibig sabihin ng dalawang linya? Negative ba o positive?" Nanlaki ang mata ni Iyek at natuptop ang bibig. "Omg dalawang linya?" "Oo dalawang linyang pula. Ayan o." Hinarap ni tatay ang pt kay Iyek

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD