MALIYAH’s POV: Nagising ako kinabukasan, na wala si Clint sa tabi ko. Amoy ko mula sa silid ang bango ng sinangag na kanin, at milo. Sinuri ko ang aking sarili may damit na ako. Ang huling tanda ko ay nakatulog ako ng walang ni anumang saplot sa katawan. Uminit ang aking mukha ng maalala ko ang pinagsaluhan namin ni Clint kagabi. Nahihiya ako paano ko siya haharapin mamaya. Pumasok ako sa banyo para gawin ang morning routine ko. Nag toothbrush at naghilamos, hindi na ako nag suklay. Kumuha na lang ako ng panali at itinali ng pa messy bun ang aking buhok. Nagwisik ng vanilla scent na cologne. Nakatalikod si Clint sa akin kaya hindi niya ako napansin. Nakasandal ako sa gilid malapit sa kusina. Kita ko ang pigurang nagpabilis ng t***k ng aking puso ng walang kahit na sino ang nagparamdam

