MALIYAH POV (SPG WARNING) Mahigit isang linggo na naman hindi nagpakita si Clint, at noong araw na masaya ang lahat sa pananghalian. Ang paghingi niya ng tawad sa akin sa kasalanang hindi ko naman maalala. Pero may kirot sa puso ko. Normal na linggo lang ang nakalipas sa akin. Sumasama ako kina Papa at Mama sa palengke, sanay na ako sa Mindoro, nagtitinda kami ng isda ni Nanay Pising. Namimiss ko na sila, noong isang araw tumawag ako sa kanila, at namimiss nila ako. Nangako akong dadalaw sa kanila kapag may pagkakataon. Gusto ko munang sulitin ang mga panahon na nawalay ako sa aking mahal pamilya. Nakasanayan ko na rin kada hapon pagdalaw sa akin ni Alexander, at mga bonding namin sa kanila. Hinahalungkat namin ang mga pictures namin noong mga bata pa kami, tuwang-tuwa ang mga magulang ni

