MALIYAH's POV: Nagitla ako sa lamig ng tubig na bumuhos sa akin. Punong-puno ito ng yelo na isinaboy sa akin habang natutulog ako sa sahig na walang sapin. Nanginginig ako sa lamig. Bumaluktot ako na parang sanggol. Hindi ako makasigaw dahil binusalan nila ang aking bibig. Iginapos nila ako at kinaladkad. Ito ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng takot. Takot na kahit sa hinuha hindi ko maisip na ito’y aking mararanasan. Wala akong naging kaaway para maranasan ang ganitong pagmamalupit. Hindi kami mayaman at lalong walang pantubos ang pamilya ko. Ngunit hindi ako nawawalan ng pag-aasa. Lalaban ako kahit ikamatay ko pa makatakas lang dito. “Hoy babae, maligo ka, ang baho-baho mo!” Sigaw sa akin ng lalaking kasama ng mahabang buhok. Panot na panot ito. Makakapal ang kilay, sapad ang

