Nagkasundo kaming apat na sa susunod ay pagbibigyan nilang dalawa si Luke. Nakisabay silang dalawa sa kotse ni Luke na nag-insist pa na ihatid silang dalawa pauwi pero masyado ng out of way kaya tinaggihan ng dalawa. Nakaupo lang ako sa bench at pinapanuod si Luke na magpagulong ng bowling ball. Magaling siya; wala pang mintis mula kanina. He can pass as a national athlete kung may bowling sa Olympics. May balak pala dapat siyang ipagmayabang ang talent niya kaya aya siya ng aya. “Maglaro ka naman,” usal niya. Umupo siya sa tabi ko tsaka sumimsim sa iniinom ko. Napangiwi ang mukha niya at nailabas pa ang dila niya. “Ang tamis.” “Pagod ka na no?” pansin ko bago iabot ang face towel na hawak ko. Pinahid niya ang mukha pati ang buhok niya; wala siyang suot na salamin kaya mas kita ang m

