Nagsimula na kaming maglakad papunta sa bahay, kung sana ay mabuti ang mood ng mga kuya sila nalang mag-aayos ng sasakyan ni Luke. Kinuha niya ang bag ko tsaka hinawi ako papunta sa gilid niya. Naglalakad kami sa gitna ng dilim, bakit ba naman kasi walang streetlights sa gawi na ito. “Dinig ko na ang dugo ko na dumadaloy. Magkwento ka naman,” pagbasag niya sa katahimikan. “Tungkol naman saan?” Lalong dumidilim sa nilalakaran namin, malayo na ang unang streetlight at ang sumunod naman ay malayo rin. May aso na umaligid sa amin kaya napakapit ako ng mahigpit sa braso niya. “Ikaw, random lang.” “Hirap naman. Ganito nalang, magtanong ka sasagutin ko.” Kita na ang bahay namin kaya mas binagalan ko ang paglalakad. Kabado talaga ako sa dadatnan ko. Matanda na ako, hindi naman siguro ako map

